MMFF 2024 ‘pinatay’ si Eugene, netizens naloka: ‘Ang kalat! Ayusin niyo naman!’
DISMAYADO ang maraming netizens sa ilang mga kaganapan sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ilan lamang sa mga nabasa namin na pinuna ay ‘yung mismong event flow na umabot na ng madaling araw, ang mga nominasyon at presenters, lalo na ‘yung bahagi ng programa na makikitang kasali sa “in memoriam” umano ang batikang komedyante na si Eugene Domingo.
Dahil diyan ay talagang nawindang at naloka ang mga sumubaybay sa event online.
Sa X (dating Twitter), may netizen na nanghinayang umano na kaya raw siguro hindi nominado sa “Best Supporting Actress” si Eugene ay dahil inakala ng organizers na sumakabilang-buhay na ito.
“Kaya siguro di naisali sa best supporting actress si eugene domingo kasi akala nila tegibels na siya [crying face emoji],” caption niya.
Baka Bet Mo: Eugene kay Pokwang: ‘Huwag kang sumuko…gusto ko may kasama kang tatanda’
kaya siguro di naisali sa best supporting actress si eugene domingo kasi akala nila tegibels na siya 😭#MMFF50GabiNgParangalpic.twitter.com/blJm2gGch0
— ✰ (@apateurosie) December 27, 2024
May isa na nanggigil sa mga nangyari sa awards night: “Sana next time ayusin naman production ng awards night. Ang kalat.”
Kwestyon pa niya, “Wala bang run through sa mga presenters? Dapat voice over nalang. Yung iba daming side comments? Hahaha bye. Bongga pa naman pelikula this year.”
Sana next time ayusin naman production ng awards night. Ang kalat. Wala bang run through sa mga presenters? Dapat voice over nalang. Yung iba daming side comments? Hahaha bye. Bongga pa naman pelikula this year. #MMFF50GabiNgParangal
— Jenia Patutoy 🇫🇷 (@justohmnanon) December 27, 2024
Inisa-isa naman ng X user ang ilang palpak umano na mg kaganapan: “Bakit niyo tinegi si Ms. Eugene; The real talk of Vice Ganda the moment she stood up in front of them; The ‘kroo kroo’ moments when they’re announcing the nominees na para bang labag pa sa loob nilang mag-announce.”
#MMFF50GabiNgParangal core:
—Bakit nyo tinegi si Ms. Eugene
—The real talk of Vice Ganda the moment she stood up in front of them
—the ‘kroo kroo’ moments when they’re announcing the nominees na para bang labag pa sa loob nilang mag announce pic.twitter.com/6PQrBSvM1J— ً (@_privamie02) December 27, 2024
Reklamo ng isa pang nanoood online, “Ang daming sinayang ng awards night na ‘to. from the questionable nominations, crappy event flow and production, and WHAT THE HECK 12:30AM NA MGA SIS GOOD MORNING NA SINASABI NG WINNERS. MALALANG DEBRIEFING ANG KAILANGAN SA BACKSTAGE.”
ang daming sinayang ng awards night na ‘to. from the questionable nominations, crappy event flow and production, and WHAT THE HECK 12:30AM NA MGA SIS GOOD MORNING NA SINASABI NG WINNERS. MALALANG DEBRIEFING ANG KAILANGAN SA BACKSTAGE. #MMFF50GabiNgParangal
— °• B •° (@aishiteru_vi) December 27, 2024
May naglarawan naman na ang Gabi ng Parangal this year ay “worst awards show.”
Aniya, “Why is this the worst award show ever produced? political campaign na naging variety show. mas maayos pa program sa school.”
why is this the worst award show ever produced. political campaign na naging variety show. mas maayos pa program sa school istg #MMFF50GabiNgParangal pic.twitter.com/KEKmAHkzvM
— ∞︎︎ ☼。𖦹 °⋆⋆♡ (skippy x hawk) (@arianathedawn) December 27, 2024
Ang MMFF 2024 “Gabi ng Parangal” ay ginanap nitong December 27 sa Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque City.
Ang itinanghal na big winner at humakot ng awards ay ang pelikulang “Green Bones” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.