Eugene proud na nakatapos ng pag-aaral kahit 8 years ang inabot
![Eugene proud na nakatapos ng pag-aaral kahit 8 years ang inabot](https://bandera.inquirer.net/files/2025/01/Screen-Shot-2025-01-30-at-4.11.22-PM-700x535.png)
PHOTO: Instagram/@eugenedomingo_official
PARA sa award-winning actress na si Eugene Domingo, ang tanging hindi niya pinagsisisihan sa buhay ay ‘yung nag-overstay siya sa kolehiyo para lang makatapos sa pag-aaral.
Ayon pa nga sa kanya, walong taon siyang nag-college.
Ang pagbubunyag na ‘yan ni Eugene ay ibinandera sa first-ever vlog niya sa YouTube kung saan sinagot niya ang ilang “most searched” questions sa internet na tungkol sa kanya.
Isa sa mga naging tanong ay ‘yung educational background ng komedyana.
“Kung meron akong desisyon sa buhay na never kong pinagsisihan is ‘yung tinapos ko ‘yung education ko,” pagbabahagi niya sa vlog.
Baka Bet Mo: Eugene Domingo bagong Comedy Queen, paano na si Ai Ai delas Alas?
Pag-amin niya, “I spent eight years, I think, in college. I finished Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines-Diliman. Yes, nag-overstay ako.”
“Ang sarap sa university e,” biro pa ni Eugene.
Bukod sa UP, nabanggit din niya na nag-isang taon din siya sa Polytechnic University of the Philippines.
“Mahilig talaga ako sa state university. Ayoko talagang gumastos masyado ‘pag nag-aaral lalo na ‘nung college kasi wala naman talaga akong pambayad,” wika ng batikang aktres.
Aniya pa, “Gusto ko lang talagang makatapos ng kolehiyo nang may diploma.”
Nabanggit din ni Uge ‘yung kanyang married life kasama ang Italian film critic na si Danilo Bottoni.
Pangako niya sa fans, marami pa siyang mashe-share patungkol dito sa mga susunod niyang vlogs.
Magugunitang ang recent project ni Eugene ay ang 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “And the Breadwinner Is…” kasama sina Vice Ganda, Gladys Reyes, Jhong Hilario, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.