Hindi graduate pero pwedeng kumuha ng ‘college degree’, paano?
MAY good news para sa mga manggagawang Pilipino na hindi nakatapos ng kolehiyo!
Pinirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang tinatawag na Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act o Republic Act No. 12124.
Sa ilalim nito, bibigyan ng pagkakataon ang working professionals na makuha ang kanilang college diploma gamit ang kanilang trabaho at karanasan.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nilagdaan ni Marcos ang batas noong March 3.
Layunin ng ETEEAP na kilalanin, suriin, at bigyan ng kaukulang “academic credits” ang kaalaman, kasanayan, at karanasan sa trabaho ng isang indibidwal mula sa formal, non-formal, and informal learning systems at relevant work experiences.
Baka Bet Mo: Arlene Muhlach graduate na sa college: Age is just a number!
Sa madaling salita, ang iyong karanasan sa trabaho ay maaaring maging daan para makakuha ka ng diploma!
Ang Commission on Higher Education (CHEd) ang mangunguna sa pagpapatupad ng programang ito, kasama ang mga piling Higher Education Institutions (HEIs) na mag-aalok ng ETEEAP.
Ang mga paaralang ito ang magiging katuwang sa pag-a-assess at pagbibigay ng college credits sa mga kwalipikadong aplikante.
Para maging eligible sa nasabing programa, kailangang ikaw ay isang Pilipino, hindi bababa sa 23 years old, at hindi bababa sa limang taon ng work experience.
Kung pasok ka sa qualifications, maaari ka nang maghanda ng mga dokumentong magpapatunay ng iyong mga training, trabaho, at iba pang mga pinagdaanan sa larangan ng iyong propesyon.
Para sa kaalaman ng marami, si Senador Joel Villanueva ang pangunahing sponsor ng batas.
Sa isang panayam, lubos na ikinatutuwa ng senador ang pagsasabatas nito dahil maraming Pilipino ang matutulungan, lalo na sa mga OFWs na hindi natapos ang kanilang pag-aaral.
“High school graduates and those who did not finish college, including returning OFWs who opted to drop out and start working immediately, will benefit from the ETEEAP Act,” sey ni Sen. Joel sa GMA News Online.
Paliwanag niya, “Through a system of equivalency, accreditation, and recognition in universities designated to offer ETEEAP, their knowledge, skills, and aggregate work experience will be awarded academic credits, helping them earn a college diploma without going through traditional schooling methods.”
Bukod diyan, malaking epekto rin daw ang hatid ng ETEEAP sa ekonomiya ng bansa dahil mas magiging productive ang workforce natin at mas magkakaroon ng oportunidad ang mga negosyo na magkaroon ng mas skilled na empleyado.
“A well-educated labor force strengthens industries, improves overall economic stability, and empowers individuals to achieve long-term career success,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.