Xian Gaza itinangging inutusan ni Ai Ai, naglabas ng resibo

Xian Gaza itinangging inutusan ni Ai Ai, naglabas ng resibo

Therese Arceo - November 20, 2024 - 11:18 PM

Xian Gaza itinangging inutusan ni Ai Ai, naglabas ng resibo

PINABULAANAN ng social media personality na si Xian Gaza ang mga kumakalat na chikang inutusan siya ng Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Ito ay may kaugnayan sa inilabas na pahayag ng kilalang personalidad na diumano’y may nabuntis na si Gerald Sibuyan.

“Hindi po totoo na si Madam Ai-Ai ang nag-utos sa akin para i-post si Gerald. That’s 100% fake news,” lahad ni Xian.

Kalapit ng kanyang post ay ang screenshot ng kanyang Instagram notifications kung saan makikitang kaka-follow lang sa kanya ni Ai Ai.

Baka Bet Mo: Gerald may nabuntis daw, payo ni Xian Gaza kay Ai Ai: Tikim-tikim na lang

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaka-follow niya lang sa akin two nights ago. I follow her back. Hindi pa kami nagkakausap until now,” sabi pa ni Xian.

Chika pa niya, “Baka eto na yung maging susi para magkaroon ako ng magandang kinabukasan sa Estados Unidos. charot!”

Nasingit pa nga ni Xian ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga na bet niyang maging tropa.

“Si Alex Gonzaga gusto ko sanang tropahin kaya finollow ko siya kagabi. Hindi ako finollow back. Eh ‘di don’t… don’t give up,” biro pa niya.

Samantala, na-shoutout pa nga ni Ai Ai si Xian sa kanyang Facebook post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabihan siya ng Kapuso actress na mag-usap sila dahil hindi ito maka-comment sa post ni Xian.

Matatandaang ibinunyag ng kilalang Marites na diumano’y nakabuntis na ng ibang babae si Gerald.

Ito sy matapos ang kumpirmasyon ni Ai Ai na hiwalay na silang mag-asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending