Xian Gaza 'nanggigil' sa bashers ng anak ni Kuya Kim

Xian Gaza sa bashers ng anak ni Kuya Kim: ‘Kaya wala kayong marating sa buhay!’

Pauline del Rosario - September 28, 2024 - 01:38 PM

Xian Gaza sa bashers ng anak ni Kuya Kim: ‘Kaya wala kayong marating sa buhay!’

Xian Gaza, Emmanuelle Atienza

TILA nanggigil ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza sa haters at bashers ng anak ni Kuya Kim na si Emmanuelle Atienza.

Ito ay matapos mag-viral ang ibinandera nitong “Guess the Bill Challenge” video, kasama ang ilang mga kaibigan kabilang na si Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez.

Magugunitang hindi nagustuhan ng maraming netizens ang pagbalandra umano ng kanilang yaman nang ipakita ang kabuuang bill sa isang restaurant na nagkakahalaga ng P133,423.99.

Ayon sa ilan, napaka-insensitive ng ginawa nina Emmanuelle dahil hindi raw nila naisip ang mararamdaman ng mga kababayang naghihirap, lalo na ‘yung mga hindi nakakakain nang maayos sa araw-araw.

Nauna nang nagpaliwanag ang anak ni Kuya Kim na katuwaan lang ang ginawa nila sa video, habang todo sorry naman ang beauty queen.

Baka Bet Mo: Krishnah todo sorry sa viral video: ‘I was merely an invited guest’

At recently lamang ay nakisawsaw na si Xian sa isyu upang pagsabihan ang mga nangne-nega sa viral video.

“Ano bang problema niyo sa 133,000 pesos dinner nung anak ni Kuya Kim Atienza? Pulitiko ba si Kuya Kim? Konsehal pa rin ba si Kuya Kim hanggang ngayon? Scammer ba si Kuya Kim? Hindi naman,” bungad ni Xian sa kanyang Facebook post.

Patuloy niya, “Ang pera ni Kuya Kim for the last 20 years ay nanggaling sa malinis na paraan. Nanggaling sa entertainment industry. Hindi gaya ko na galing sa scam at negosyong ilegal.”

“Napakatino ng pamilya nila para i-bash niyo ng ganyan. Kasalanan ba nila na hirap na hirap kayo sa buhay at sardinas lang ang afford? Kasalanan ba nila na hampaslupa ‘yung pamilya niyo? Na sobrang malaking halaga sa inyo ang 133K? Kasalanan ba nila na ganyan ang estado ng buhay niyo ngayon?” pahayag pa ng social media personality.

Wika niya, “Kung pagsalitaan niyo ng hindi maganda yung bata eh parang may ginawa siyang mali. Kumain lang ng mamahaling dinner at pinost sa social media, anong masama dun? Bakit niyo bina-bash? Kasi nasaktan kayo dahil yung sahod niyo ng kalahating taon ay isang kainan lang nila? Kasi napaka-insensitive nila at hindi nila cinonsider ‘yung mararamdaman niyo? Nakita niyo yung insensitivity nila pero yung sarili niyong insensitivity ay hindi niyo makita.”

“Very religious God-centered law-abiding family ‘yan tapos gaganyanin niyo. Wala na kayong pinipili. Lahat na lang bina-bash niyo kahit walang ginawang mali,” giit ni Xian.

Aniya pa, “Kaya siguro wala kayong marating sa buhay because you always see rich people as villains tapos you all end up living in vain kasi ang mentality niyo kapag hirap sa buhay eh kayo yung bida sa mundo at mabubuting tao.”

Deleted na ang nasabing viral video, pero mapapanood doon na ang may pinakamalapit na nakahula ng presyo ng kinain ng magkakaibigan ay si Krishnah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil diyan, ipinakita na humugot siya ng card at ito ay binayaran niya.

Ngunit base sa kanyang public apology, sinabi ng beauty queen na hindi totoong binayaran niya ito at wala siyang kakayahan na magbayad ng ganung kalaking halaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending