Gerald may nabuntis daw, payo ni Xian Gaza kay Ai Ai: Tikim-tikim na lang
MUKHANG may naimbestigahan na naman ang lalaking Marites na si Xian Gaza kung bakit iniwan si Ai Ai delas Alas ng asawang si Gerald Sibayan.
Napapansin kasi naming kapag may post itong si Xian ay nagkakatotoo lalo na kapag inilagay niya ang katagang, “Open Letter” sa taong pinupuntirya niya.
At heto nakisawsaw siya sa hiwalayang Ai Ai at Gerald at may open letter nga siya sa komedyana at baka nga puwedeng totoo dahil biglaan ang pakikipagkalas ni ‘Ge sa asawa.
Baka Bet Mo: Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’
“OPEN LETTER TO AI-AI DELAS ALAS:
“Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal ‘yung bata next year.
“Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na.
“Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata.
“Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years. Time will heal you, Madam,” ang post ng social media personality.
At dahil sobrang nasasaktan ngayon si Ai Ai sa mga pangyayari kaya nagpatawa na lamang si Xian sa payo niya.
“Huwag ka na pong magpauto ulit ha? Enjoyin mo na lang po ‘yung buhay single mo. Fling-fling na lang. Tikim-tikim na lang.
“Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po yung feelings, pera at oras na i-invest niyo sa amin.
“Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay.
“Xian Gaza.”
Trending ang post na ito ni Gaza sa Facebook account niya dahil umabot sa 19,000 and 548 shares.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Gerald pati na rin ni Ai Ai sa open letter ni Xian Gaza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.