2025 hugot ni Ai Ai: Kahit durog dapat intact pa rin dignity mo

Hugot ni Ai Ai sa 2025: Kahit durog ka dapat intact pa rin dignity mo!

Ervin Santiago - January 01, 2025 - 10:53 AM

Hugot ni Ai Ai sa 2025: Kahit durog ka dapat intact pa rin dignity mo!

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

NAPAKARAMING natutunan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa naging pagsasama at paghihiwalay nila ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.

Bago pumasok ang 2025, sinabi ni Ai Ai na baon-baon niya sa Bagong Taon ang mga natutunang leksyon sa mga hinarap na problema at pagsubok nitong nagdaang 2024.

Sa kabuuan ng naging journey niya last year at sa paghihiwalay nila ni Gerald, ang pinakamatinding lesson na natutunan niya ay ang mas mahalin at irespeto muna ang sarili bago ang ibang tao.

“To love myself more. At saka ‘yong kailangan sa isang babae kahit durog intact mo ‘yong dignity mo,” ang pahayag ng premyadong aktres sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday, December 30.

Baka Bet Mo: Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Nagpapasalamat din siya siyempre sa mga kinapitan at nilapitan niya noong mga panahong may mga pinagdaraanan siyang pagsubok sa kanyang personal life.

“Siyempre parati si God. Parati everyday prayers, prayers, prayers maximum level. Tapos, mga kaibigan kong totoo. Anak ko, nandyan. Ikaw, nandyan. And ‘yong mga luma kong kaibigan, nandyan lahat,” pahayag pa ni Ai Ai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Kinumpirma ni Ai Ai sa mismong birthday niya noong November 11 sa panayam ni Tito Boy na hiwalay na sila  ni Gerald matapos ang mahigit 10 taon nilang pagsasama bilang married couple.

Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Bakit ang galing-galing mong magdala ng problema?”

Tugon ng komedyana, “Ngayon na lang, ama. Natutunan ko na. Kasi nung the last time, nung second husband ko, dinurog ako ng buong bayan. Nabigla rin ako noon ‘e, pero lumaban ako kasi masakit.

“Ngayon, hindi naman pala kailangan na ang laban maingay. Pwede naman pala na mahinahon lang. Tatanggapin mo, at may graceful exit,” dagdag na pahayag pa niya

Kinumpirma rin ni Ai Ai na hindi na niya kinausap si Gerald mula noong hiwalayan siya nito sa pamamagitan ng chat.

“I refused to. From the time na ‘yung sinabi niya ‘yun sa akin, hindi na ako nakipag-communicate sa kanya. Nakikipag-communicate ako sa kanya through some people like my son-in-law, ganyan, tapos ‘yung mga ibang tao. Pero ako, direkta, no,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong 2017 at nag-renew pa ng wedding vows noong 2022.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending