Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka! | Bandera

Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Alex Brosas |May 03,2022
facebook
share this

Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Alex Brosas - May 03, 2022 - 08:36 AM

Ai Ai delas Alas

BINIRA nang husto si Ai Ai delas Alas matapos kumalat sa social media ang kanyang TikTok video kung saan lumalabas na parang ginaya niya si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Negang-nega ang dating ng video na iyon at talagang kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Ai Ai. Wala halos kumampi sa kanya sa social media dahil sa video na iyon.

“Ai Ai ganyan talaga kagreedy sa PERA! Stay happy with your young 20+ year old husband!!! Dios me Disgraceful.”

“Kaloka ka Ai Ai, nasira kana lang talaga dahil sa kagagahan mo.”

“Kaloka ka ai ai nagpapakababa ka dahil lang sa politikang sinusuportahan mo…d ako taga kyusi pero d maganda yan foul ka jan!!! Parang apakalinis ng iniindorso mo…eh apaka trapo din nyan!!! Lumayas daw sa kyusi at wala cy pake!!! Gaga magsama kau ng director mong trying hard!!!”
“Ai Ai sayang ka Nakakahiya ka.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Foul po yan lalo na isa kang public figure. You are misrepresenting the Mayor by using the logo, imitating her voice and her looks plus emphasizing on a body part. Sa part mo kasi asset mo yan sa showbiz pero wala ka sa comedy bar para gawing katatawanan ang sa iba.”

“Nasaan ang No To Negative Campaigning na pinagmamalaki?  I used to like Ai-Ai, pero ngayon? Parang ang labo na nya.. hahaha Well, we will see. 1st time ko iboboto si Babalina.. basura kase kalaban nya. Mas okay na sya kesa sa Basura.”

“Anu na kapit na ba sa patalim kaya ginawa mo yan, kakahiya ka dami pa naman humahanga sa ginawa mo na yan bumababa tingen ng namin sa iyo.”

* * *

Tuwang-tuwa ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu dahil nakumpleto ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Kim ang photo ng kanyang pamilya. Ganoon na lang ang kanyang tuwa dahil fnally ay nakumpleto rin sila.

“Never felt this complete. the last time I remembered na kumpleto kami was when my mama died, ngayon lang kami nabuo kasama si papa in one photo.

“When we were talking about our younger years, what a life it has been. It helped us become who we are now, from walang matirhan, walang pang tuition, walang pagkain, nag aagawan pa sa ulam, sa damit, sa school things, and a lot more!!!!

“Looking back nag aasaran kami now na naluluha na natatawa. Hahaha! It feels amazing!” say niya.
Imagine, dumaan din pala sa hirap ang pamilya ni Kim. Hindi siya nahirang i-reveal na wala silang matirhan, walang pambayad ng tuition, qalang pangkain.

“LIFE IS INDEED FULL OF SURPRISES!!! LIFE IS CRAZY BEAUTIFUL! I am thankful for the gift of family that I have. I have my best friends, sibs, and people who will love me and support me no matter what,” dagdag pa niya.

Now, madatung na si Kim. Nabibili na niya ang gusto niya para sa sarili at sa kanyang mga kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Incidentally, inaayos na raw ang movie na pagsasamahan ni Kim at ng kanyang boyfriend na si Xian Lim. Kaabang-abang ito para sa fans ng dalawa.

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending