Kim tinukso dahil sa 'pink' bike, regalo nga ba ni Paulo?

Kim Chiu tinukso dahil sa ‘pink’ bike, regalo nga ba ni Paulo Avelino?

Pauline del Rosario - January 18, 2025 - 10:49 AM

Kim Chiu tinukso dahil sa 'pink' bike, regalo nga ba ni Paulo Avelino?

Kim Chiu, Paulo Avelino

USAP-USAPAN sa social media ang pink bike ng TV host-actress na si Kim Chiu.

Marami kasi ang naniniwala na ang nagregalo sa kanya nito ay ang on-screen partner na si Paulo Avelino.

Ito ay matapos mabunyag mismo ni Kim na ang naturang bike ay ibinigay lamang sa kanya, ngunit walang sinabi kung sino.

Sa recent episode ng “It’s Showtime,” nabanggit ng co-host na si Darren Espanto ang tungkol sa bagong bike ng aktres.

“Saka bumili ‘yan ng bike, Tyang. Kasi gusto niya maging active,” pang-aasar ni Darren.

Baka Bet Mo: Alden ‘confirmed’ na binigyan ng singsing si Kathryn: ‘Nag-extra effort lang’

Dumepensa naman si Kim at inaming, “Hoy, may bike na talaga ako…Binigay ‘yung bike, bigay ‘yun.”

Humirit naman ang ilang hosts upang tuksuhin ang dalaga: “Bigay niya?”

Tumawa ng tumawa si Kim at umiwas na sa topic, “Hoy, tama na. Presscon?”

Bago mapag-usapan ang bagong bike, nauna nang tinanong si Kim ng kanyang co-hosts kung masaya ba siyang umuuwi matapos ang taping ng upcoming movie with Paulo na ang pamagat ay “My Love Will Make You Disappear.”

Ang sagot diyan ni Kim, “Okay naman…Enjoy…Aba’y oo naman [masaya] kasi maganda ‘yung movie.”

Magugunitang nag-viral sa social media ang ilang litrato ng magka-love team na magkasamang nagba-bike kung saan ang gamit ng aktres ay ‘yung pink bike.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

As of writing, wala pang kumpirmasyon mismo kina Kim at Paulo patungkol sa kumakalat na chikang nagregalo ang huli ng pink bike sa una.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending