Alden ‘confirmed’ na binigyan ng singsing si Kathryn: ‘Nag-extra effort lang’
TOTOO pa lang nagbigay ng singsing ang aktor na si Alden Richards para sa kanyang on-screen partner na si Kathryn Bernardo.
Kinumpirma ito mismo ng aktor sa isang exclusive interview ng ABS-CBN News with lie detector test pa.
Ayon kay Alden, hindi ito birthday gift kay Kath kundi pamalit lamang sa nawala nitong singsing.
“We came from a party of a friend tapos the next day nag-message lang sa akin si Kath na she lost her ring,” kwento ng aktor.
Nilinaw rin ni Kathryn na isa itong “health ring” na nagmo-monitor ng kanyang health vitals upang makatulog siya ng maayos.
Singit pa ni Alden, “Nag-extra effort lang naman tayo ng konti.”
Baka Bet Mo: Alden hindi pa rin sinasagot ni Kathryn: Pero pursigido sa panliligaw
Pero kalauna’y nakita rin daw ni Kath ang nawawala niyang singsing kaya dalawa na raw ito.
“So naging dalawa na. Ewan ko na lang ‘pag hindi pa ma-monitor ang health ko nito,” pabirong sabi ng aktres.
Grabe, ang sweet naman talaga ni Alden kay Kath! Biruin niyo, gumawa agad ng paraan ang aktor para lang hindi mag-aalala ang aktres dahil nawala ang precious nitong singsing.
Anyway, until now ay hindi pa malinaw kung nanliligaw na nga ba si Alden sa kanyang on-screen partner.
Base sa naging interview niya kay Boy Abunda, inilarawan niyang “very deep” ang koneksyon nila isa’t-isa.
“‘Yung meron po kami ni Kathryn ngayon…is I should say, really deep and since I got the chance to really her now personally, ang dami ko pong na-discover sa kanya or similarities and differences on how we view life,” paliwanag ng aktor.
Wika niya, “And sobrang na-a-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open up niya sa akin –welcoming me to her life, and of course, na-meet ko rin ‘yung family [niya].”
Samantala, ang “Hello, Love, Again” ay mapapanood sa mga sinehan sa November 13.
Muling gagampanan diyan ni Kathryn ang karakter ni “Joy,” habang si Alden ay bilang “Ethan” na nag-umpisa sa 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.