Daniel astig pa rin sa girls, Kapuso star na si Shuvee Etrata pinakilig
WAPAKELS ang Kapuso TV host at Sparkle artist na si Shuvee Etrata kung kuyugin man siya ng mga fans ni Daniel Padilla.
Inaasahan na kasi ng dalaga na maba-bash siya ng mga netizens dahil sa ipinost niyang litrato sa social media kasama si Daniel.
But it turned out, pinusuan pa ito ng mga netizens at sumang-ayon pa sa ginawa niyang paglalarawan sa itsura ng ex-boyfriend ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.
In-upload ni Shuvee ang mga pictures nila ni Daniel, na tinawag pa ng Kapuso star na childhood idol niya. Kuha ang mga litrato sa isang event kung saan nagkita nga ang dalawang celebrity.
Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?
“Thanks for making my childhood happy!” ang inilagay na caption ni Shuvee sa ipinost niyang TikTok video.
Nilagyan pa niya ito ng background music, ang isa sa mga pinasikat na kanta ni Daniel na “Simpleng Tulad Mo.”
View this post on Instagram
Ayon pa sa Sparke artist, totoong-totoo ang mga komento ng mga fans ni DJ na nakakakilig at malakas pa rin ang dating ng Kapamilya Star.
Sey naman ni Shuvee sa mga nagkomento na ibang-iba na raw ang looks ni DJ kung ikukumpara noong sila pa ni Kath, mas gumuwapo pa ang dating ni DJ ngayon.
Narito naman ang mga comments ng netizens sa TikTok video ni Shuvee na napapanood tuwing umaga sa “Unang Hirit” ng GMA 7.
“Iba padin talaga ang dating ng isang Daniel Padilla Uncrush? Neverrrrrr. Deadma sa bashers HAHHAHAHAHAHA,” ayon sa isang TikTok user.
Sinagot naman siya ni Shuvee ng, “So true.”
“Ba’t parang may kilig iba pa rin talaga ang dating ng isang Daniel Padilla,” saad pa ng isa pang netizen.
“Truthfully,” ang pagsang-ayon sa kanya ni Shuvee.
May mga nagkomento naman na posibleng magkasama sina Daniel at Shuvee sa isang project dahil open na ang ABS-CBN at GMA sa mga collaborations.
Tila kinilig naman dito ang dalaga at napa-reply ng winky eyes emojis lalo na nang sabihin ng isang netizen na may chemistry sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.