Kathryn sa ina: I’d still choose you to be my mom, over and over again
“YOU’RE a big part of who I am today, Mama!” Iyan ang bahagi ng madamdaming birthday greeting ni Kathryn Bernardo para sa kanyang inang si Min Bernardo.
Idinaan ng Box-Office Queen sa social media ang pagbati niya sa kaarawan ng pinakamamahal niyang nanay na pinusuan at ni-like ng mga netizens.
Nag-share si Kathryn sa kanyang Instagram page ng mga throwback photos nila ni Mommy Min kabilang na ang mga kuha sa kanyang graduation, family gatherings at mga showbiz events na kanilang dinaluhan.
“They say you can’t choose your family, but if I had the chance, I’d still choose you to be my mom—over and over again,” ang simulang caption ni Kath sa kanyang Instagram post.
Baka Bet Mo: Shaira Diaz napilitang kumain ng 60 chicken para ma-meet si Lee Min Ho
Dagdag na message pa ng Kapamilya superstar para kay Mommy Min, “Our relationship may not be perfect (lots of fights and misunderstandings), but it’s the imperfect moments that made us stronger. They made me love you even more.”
View this post on Instagram
Napakalaking impluwensiya rin daw ng nanay niya sa kung anuman ang pagkatao niya ngayon.
“You’re a big part of who I am today, Mama. We don’t say it much, but we love you dearly.
“Your happiness will always be my happiness. Happy Birthday! -Love, your bunso (the most kulit and stressful one),” pahayag pa ni Kathryn.
Bumati rin kay Momny Min ang mga kaibigan ni Kathryn kabilang na ang ilang celebrities na nakasama at nakatrabaho niya sa mga teleserye at pelikula.
“Such heartwarming words any mom would love to hear. Happy birthday Min!” ang pagbati ni Arlene Muhlach.
Komento ni Valerie Concepcion, “Awwwwww… You’re the sweetest, @bernardokath! Happy Birthday to one super mom, Tita Min!”
Matatandaang proud na proud si Mommy Min sa mga panibagong milestone sa career ng anak kabilang na ang pagtanggap ni Kath ng award sa Amerika kasabay ng phenomenal at record-breaking success ng “Hello, Love, Again.”
Nabawi ng “HLA” ang titulong “Highest Grossing Filipino Film of all Time” mula sa “Rewind” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Una itong nakuha ng “Hello, Love, Again” na pinagbidahan din ng KathDen.
“Sobrang proud ako at ang buong pamilya natin sa lahat ng blessings na natatanggap mo at ng buong #HelloLoveAgain, anak!”
“Congratulations for receiving the Snow Leopard Rising Star Award at the 10th Asian World Film Festival! Love you!” ang post ni Mommy Min sa kanyang Instagram account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.