Shaira napilitang kumain ng 60 chicken para kay Lee Min Ho

Shaira Diaz napilitang kumain ng 60 chicken para ma-meet si Lee Min Ho

Ervin Santiago |March 04,2024
facebook
share this

Shaira Diaz napilitang kumain ng 60 chicken para ma-meet si Lee Min Ho

Ervin Santiago - March 04, 2024 - 08:23 AM

Shaira Diaz napilitang kumain ng 60 chicken para ma-meet si Lee Min Ho

Shaira Diaz at Lee Min Ho

TAWANG-TAWA kami sa kuwento ni Shaira Diaz tungkol sa nakakalokang challenge na ginawa niya para lang makita ang Korean superstar na si Lee Min Ho.

Isa ang Kapuso TV host-actress sa mga local celebrities na adik na adik din sa mga K-Drama at K-Pop kaya naman talagang kinakarir niya ang pagpunta sa mga fan meets dito sa Pilipinas.

Aminado ang “Unang Hirit” host na isa sa mga favorite South Korean actor niya ay si Lee Min Ho na bumida sa mga K-Drama series na “The King”, “Boys Over Flowers”, “The Inheritors”, “Legend of the Blue Sea” at marami pang iba.

Kaya naman nang magkaroon ng chance na makita up close and personal ang Korean actor ay hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang challenge para makapunta sa fan meet ng aktor.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo sa kanyang ina: The best support system…

Kuwento ni Shaira sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel”, bukod kay Lee Min Ho, na-meet na rin niya ang isa pang sikat na K-Drama actor na si Song Joong Ki na nakilala naman sa seryeng “Vincenzo” at “Descendants of the Sun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“Marami na rin akong nakitang mga K-Drama actors, pumupunta ako sa mga fan meeting nila. Nag-a-attend talaga ako,” kuwento ni Shaira.

Aniya pa, may pagkakataon na nakakakuha siya ng tickets mula sa ilang events na napupuntahan para sa fan meets ng mga Korean stars na nag-e-endorse ng mga brands dito sa Pilipinas.

“May mga tickets po sila na binibigay sa amin kung gusto manuod, ganiyan, parang ang cute kasi ang dami nga nilang dinadala dito, na mga K-Drama stars.

“Tapos yun po, nagkakaroon na po ng opportunity na ma-meet sila makita sila in person,” sey ng girlfriend ng Kapuso actor na si EA Guzman.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage, fans natuwa

Kasunod nga nito, naibahagi ng dalaga na matindi ang biro pinagdaanan niyang hamon para lang makapunta sa event ni Lee Min Ho sa bansa.

Aniya, talagang pumunta siya sa isang restaurant para lumafang ng 60 piraso ng chicken sa loob lang ng isang araw na ang kapalit ay ticket nga sa fan meet ng iniidolong Korean star.

“Tinawag ko yung mga kapatid ko, si Edgar, tapos para lang magkaroon ng ticket para kumain kami ng 60 na manok. Ha-hahaha! Tapos ayun talagang pumila po talaga kami,” ang natatawang chika ni Shaira.

Buti na lang daw at talagang mahilig siya sa manok, pati na ang mga kapatid niya at si EA kaya nakuha nila ang free ticket.

Samantala, isa pa sa mga gusto niyang ma-meet na Korean superstar ay si, “Jungkook talaga yung BTS. Sobrang fan po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinandera pa ni Shaira ang collection niya ng mga BTS merchandise, kabilang na riyan ang standee ni Jungkook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending