EA pag-iipunan ang dream wedding nila ni Shaira Diaz sa 2026

EA Guzman pag-iipunan ang dream wedding nila ni Shaira Diaz sa 2026

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

EA Guzman pag-iipunan ang dream wedding nila ni Shaira Diaz sa 2026

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 02:01 PM

EA Guzman pag-iipunan ang dream wedding nila ni Shaira Diaz sa 2026

Jo Berry, EA Guzman at Shaira Diaz

ENGRANDENG kasal ang gustong ibigay ng award-winning Kapuso actor na si EA Guzman sa kanyang fiancée na si Shaira Diaz.

Nagbigay ng update ang binata tungkol sa engagement nila ni Shaira nang makachikahan siya ng ilang members ng entertainment media kahapon, February 24, sa Main Session Hall ng Manila City Hall.

Nangyari ito sa grand mediacon ng latest teleserye niya sa GMA 7, ang “Lilet Matias: Attorney-At-Law” na pinagbibidahan ng napakagaling na “little person” na si Jo Berry.

Ayon kay EA, balak nilang magpakasal ni Shaira sa 2026. Mag-iipon pa raw kasi siya para maibigay ang dream wedding ng kanyang future wife.

Baka Bet Mo: Shaira, EA pinag-uusapan na rin ang kasal, pero ipon-ipon muna

Kaya naman ang birong panawagan niya sa mga bossing ng GMA, sana raw ay magkaroon pa siya ng maraming projects para madali siyang makaipon.

Medyo bongga raw ang binabalak ni EA na kasalan para sa kanila ni Shaira, “Siyempre po para sa akin kasi, minsan lang siya mangyari, once in a lifetime, so gusto namin ni Shaira, ‘yung deserve namin na wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko naman sinasabi na engrande or something. ‘Yung deserve lang namin, ‘yung gusto talaga namin, especially Shai, ‘yung dream wedding niya. So, gusto ko lang ding gawin ‘yun para sa kanya,” pahayag ni EA.

After ng ginawa nilang announcement about their engagement, nagsimula na rin daw silang magplano tungkol sa kanilang kasal  Ang gusto raw ni Shaira ay church wedding somewhere here in Manila.

At dahil sa 2026 pa nga ang kasal, two years pa ang pagpa-practice nila ng “celibacy”. Kaya ang tanong kay EA, kaya pa ba niyang maghintay?

Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

“Kung 11 years nga, natiis ko, ‘di ba? Bakit ‘yung ilang taon na lang na talagang magiging asawa ko na siya and alam mo ‘yun, magkakaroon ako ng sariling pamilya.

“So, ako lang talaga, ‘yung love ko kay Shaira and respect. ‘Yun lang talaga ‘yung reason kung bakit talaga ako…kung bakit ko natiis, ba’t ko nakayanan,” sey ng aktor.

Wala pa naman daw silang napag-uusapan ni Shaira tungkol sa pre-nuptial agreement na isa sa mga naging isyu raw sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Samantala, gagampanan ni EA sa “Liliet Matias: Attorney at Law” ang karakter ni Kurt, ang funny and outspoken colleague ni Atty. Lilet na ginagampanan nga ni Jo Berry.

“Kilig, comedy and drama ito, kumbaga para sa akin challenge din kasi first time naming magkatrabaho. Kailangan walang ilangan, kailangang ma-deliver namin nang maayos yung mga eksena namin,” sey ng aktor about Jo.

Iikot ang kuwento ng serye sa makulay, masalimuot pero inspiring na journey ni Lilet Matias bilang abogada at sa iba’t ibang kaso na kanyang hahawakan kabilang na ang isang rape case na kasasangkutan ng kanyang half-sister.

Ka-join din sa “Lilet Matias: Attorney-at-Law” sina Sheryl Cruz, Jason Abalos,  Joaquin Domagoso, Zonia Mejia at Hannah Arguelles, Glenda Garcia, Teresa Loyzaga, Troy Montero, Ariel Villasanta, Maricel Laxa, Rita Avila at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ito sa March 4, 3:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime mula sa direksyon ni Adolf Alix. Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending