EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira na 'kasal muna bago sex'

EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 07:53 AM

EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira na 'kasal muna bago sex'

EA Guzman at Shaira Diaz

HIRAP na hirap si Edgar Allan Guzman sa pagtitiis at pagkokontrol sa sarili na hindi makipag-sex kay Shaira Diaz hangga’t hindi pa sila kasal.

Ayon kay EA, hindi biro ang naging desisyon nila ng kanyang girlfriend na magtatalik lamang sila pagkatapos ng kanilang wedding at kapag tinanggap na nila ang basbas mula sa Simbahan.

“First two years namin umiiyak ako sa kanya, kasi ang hirap. To be honest ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya. Kasi siyempre ‘di ‘ba?” ang pag-amin ni EA sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Sabi ko talaga sa kanya, ‘Baba (tawag niya kay Shaira), hindi ko na kaya!'” dugtong pang pahayag ng aktor.

Baka Bet Mo: EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: ‘Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae’

“Pero noong may sinabi siya sa akin na ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.’

“Doon ako tinamaan. Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag ka nakakaramdam ako ng ganito,” ang pagbabahagi pa ng Kapuso star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya pa, “Sabi ko nga noong nag-announce kami sa engagement namin, I respect Shaira a lot, kung alam lang nila.”

Sey naman ni Shaira, sinusunod lang niya ang “celibacy” o ang pag-iwas sa pakikipag-sex bilang pagrespeto sa kanyang mga magulang.

“Kasi ako po ino-honor ko po ‘yung family ko, especially my mom and dad. Iyan po ang promise ko sa kanila talaga na kahit iwan mo ako saan, ito buo-buo pa rin ako.

Baka Bet Mo: Shaira, EA pinag-uusapan na rin ang kasal, pero ipon-ipon muna

“Sabi nila iyon ‘yung best gift na mabibigay mo sa magiging asawa mo,” paliwanag ng TV host-actress.

In fairness, 11 years nang magkarelasyon sina Shaira at EA at talagang napangatawanan nila ang promise sa isa’t isa na hindi muna magtatalik hangga’t hindi sila ikinakasal.

Sa panayam namin kay EA sinabi niyang, “Isa ito sa kinahahangaan ko sa kanya. Sige, sasabihin ko na po. Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still (a virgin)… alam n’yo na!

“Kaya ko siya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganu’n (virgin). Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save (ang virginity), kaya after marriage. So, para sa akin, wow!

“Totoo po ‘yun, hindi ako nagsisinungaling. Kahit itanong niyo sa kanya. Kaya humanga ako lalo sa kanya. Kaya para sa akin, marriage muna, kasi yun din ang gusto ni Shaira. Nirerespeto ko ang desisyon niyang yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para sa akin, pareho naman kaming magbe-benefit noon. Napakaganda naman. Kumbaga, para sa akin, very sacred si Shaira!” pahayag pa ni Edgar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending