EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: 'Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae' | Bandera

EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: ‘Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae’

Ervin Santiago |September 26,2023
facebook
share this

EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: ‘Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae’

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 07:12 AM

EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: 'Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal is irespeto mo ‘yung babae'

Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz

FEELING lucky ang Kapuso actor-dancer na si Edgar Allan Guzman sa pagkakaroon ng girlfriend na tulad ni Shaira Diaz.

Ten years nang magkarelasyon ang dalawa at habang tumatagal ay patuloy pa ring tumatatag at mas nagiging solid pa ang kanilang samahan kahit pa nga pareho silang nasa showbiz.

“Ang suwerte ko nga kasi meron kaming ganitong relasyon ni Shaira. No pressure, kumbaga suportahan kami,” ayon kay EA sa  panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Wednesday.

Dugtong pa niya, “Kahit parehas kaming nasa showbiz industry, suportahan talaga kami,” sey pa ng binata.

Bukod sa communication at honesty, isa pa sa sikreto ng kanilang pagsasama ay ang respeto nila sa isa’t isa, “Para sa akin, ‘yung ideal sa ideal is talagang irespeto mo ‘yung babae.”

Baka Bet Mo: Edgar Allan pangarap makatrabaho ang dyowang si Shaira; pinatunayan kung gaano kabait si Alden

Inamin naman ni EA na may mga pagkakataon na nagtatalo at nag-aaway din sila ni Shaira pero ang mahalaga ay pinag-uuspan nila agad ang problema naaayos nila agad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)


“Wala pong perpektong relasyon. Meron at merong mag-aaway, may darating at may darating na problema,” sabi pa ni EA.

Ibinahagi rin ng aktor na gusto nila ni Shaira ang isang Church wedding kapag nagdesisyon na silang magsama at bumuo ng sariling pamilya.

Samantala, sa nasabing panayam, nasabi rin ni EA na ayaw niyang ma-typecast noon sa mga gay roles, kaya hindi muna siya tumanggap ng mga LGBTQIA+ projects.

“Noong 2017, Deadma Walking, after no’n, napansin ko parang nata-typecast ako. So sabi ko pahinga na lang muna saglit.

“Babalik pa rin naman ako. Hindi ko isinasara ‘yung pinto. Ngayon ginagawa ko ‘yung Super Mamshie, and I’m looking forward na gumawa ulit po ng pelikula na kahit bading ako or teleserye man ‘yan, I’ll do it,” chika pa ng Kapuso actor.

Dalawa sa mga gay projects na ginawa noon ni EA ay ang pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” (2016) at “Deadma Walking” (2017).

EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru Madrid, Shaira Diaz dedma muna sa kasal, marami pang gustong patunayan sa career

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending