Shaira Diaz, EA Guzman ibinida ang bagong ‘baby’: ‘We can’t wait!’

PHOTO: Instagram/@shairadiaz_
ILANG buwan bago ikasal, proud na inanunsyo ng celebrity couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman ang kauna-unahang business venture nila together.
Ang kanilang bagong “baby” ay isang Thai tea business!
Sa pamamagitan ng Instagram, masaya nilang ibinandera ang ilang litrato na kung saan ay kasalukuyan na nilang itinatayo ang franchise nila sa Parañaque.
“This marks our very first business venture, and we couldn’t be more excited! We can’t wait to share our love for authentic Thai flavors with you,” caption ni Shaira sa post.
Pagmamalaki pa niya, “Opening soon—see you there!”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang nagpahayag ng “congratulatory” messages sa dalawa.
Kabilang na riyan sina Arra San Agustin, Joross Gamboa, Lovely Abella at Chris Tiu.
Kung matatandaan, unang nagkakilala sina Shaira at EA noong 2012 at taong 2013 nang maging magdyowa sila.
Taong 2021 naman sila na-engage na isinapubliko ngayong taon lang.
“Readying-ready na ‘ko. Ready na ‘ko gumawa ng pamilya in the future, [and] makasama siya habang buhay,” sey ni Shaira sa kanyang fiance.
Aniya pa, “Sobrang ready na ‘ko, gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gano kami nagmamahalan, kung gano ko siya ka-mahal.”
Wala pang detalye tungkol sa special day ng couple, pero ito raw ay gaganapin sa Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.