EA Guzman ipinasilip ang wetpaks, Shaira Diaz na-shookt

EA Guzman ipinasilip ang wetpaks, Shaira Diaz na-shookt

Therese Arceo - March 22, 2025 - 03:30 PM

EA Guzman ipinasilip ang wetpaks, Shaira Diaz na-shookt

NAWINDANG ang madlang pipol sa ginawang “pasilip” ng Kapuso actor na si EA Guzman sa nagdaang fashion show ng kilalang apparel brand.

Paano ba naman kasi ay bukod sa kanyang “pabakat” ay ibinandera rin nito ang kanyang p*wet.

Sa video na kumakalat ngayon sa social media, makikitang nakasuot lamang si EA ng purple underwear at proud na rumampa ngunit pagtalikod nito sa audience ay ibinaba niya ang underwear kaya naman na-sight ang kanyang wetpaks.

Agad na naghiyawan ang mga manonood dahil sa nakaka-shookt na ginawa ng aktor.

Baka Bet Mo: Shaira Diaz, EA Guzman ibinida ang bagong ‘baby’: ‘We can’t wait!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maging ang soon-to-be wife ni EA na si Shaira Diaz ay naloka sa ginawa ng magiging asawa.

“Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko [crying emoji] alam na ng lahat itsura [monkey emoji] susginoo! Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!” saad ni Shaira.

Ikinuwento pa nito na nagsabi si EA sa kanya na sasayaw lang daw siya sa stage pero hindi pala ito ang ginawa ng magiging asawa.

“PWETMALU KA EA Guzman [laughing emoji] lintek na yan! Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas, tanong ko pa sa FD, ‘bakit nagtilian? Si EA ba yun?? Ano ginawa??'” kuwento ng TV host-actress.

Kaya naman pagbalik daw ng stage ay tinanong niya ang fiancee kung ano ang ginawa nito at bakit nagtilian ang mga tao.

Pero sa halip ma sumagot ay ngumiti lang si EA sa kanya.

“ABA AYON PALA GINAWA. MAGALING,” hirit pa ni Shaira.

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa ring usap-usapan ang pasabog ni EA:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saraaaap suwerte naman ni Shaira hahaha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Bakit ganun mas makinis pa pwet ni EA kesa sa mukha ko huhuhu.”

“wala na Shaira, nakita na namin,” sey naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending