EA Guzman, Shaira Diaz napaaga ang kasal, gusto nang mag-baby

EA Guzman, Shaira Diaz napaaga ang kasal: Gusto na naming magka-baby!

Ervin Santiago - February 17, 2025 - 06:25 AM

EA Guzman, Shaira Diaz napaaga ang kasal: Gusto na naming magka-baby!

EA Guzman at Shaira Diaz

GUSTO na rin palang magka-baby ng celebrity couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz kaya naman nagdesisyon na silang magpakasal sa darating na August, 2025.

Sa huli nilang pagse-celebrate ng Valentine’s Day bilang mag-boyfriend at girlfriend, sinorpresa ni EA ang kanyang fiancée sa morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit.”

Ngayong February din magdiriwang ang magkarelasyon ng kanilang 12th anniversary as a couple kaya double celebration nga ang naganap sa pagdalaw ng award-winning actor sa naturang programa kung saan isa si Shaira sa mga host.

Natanong ang engaged couple kung ano nga ba ang sikreto sa mas tumitibay at mas nagiging solid pa nilang pagsasama na tumatagal na ng mahigit isang dekada.

Tugon ni EA, “Para sa akin, kahit gaano na kayo katagal, dapat sa side ng lalaki, dapat nag-e-effort ka pa rin ilabas ‘yung babae kahit gaano kayo ka-busy sa trabaho niyo, dapat you find time.

Baka Bet Mo: Sino kina Shaira at EA ang dapat humawak ng pera kapag kasal na?

“Kahit one day lang sa isang linggo, and make it special, sobrang laking bagay na sa babae,” dagdag ng Kapuso star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)


Sey ni Shaira, consistent daw ang kanyang future husband sa pagpapadala ng bulaklak tuwing Valentine’s Day at kahit walang okasyon.

Samantala, taong 2026 ang unang plano nina EA at Shaira na magpakasal pero ngayon napaaga nga ito. Ngayong darating na August na magaganap ang kanilang dream wedding.

“Feeling ko si Shaira talaga, hindi na rin talaga makapaghintay na pakasalan ako,” biro ni EA. “Hindi, hindi ko alam. Bigla na lang sinabi sa akin ni Shai na, ‘Baba, pakasal na tayo sa 2025, next year.'”

Chika naman ni Shaira, “Parang ako na rin ‘yung natagalan, parang gusto ko ng mapunta sa next level ‘yung relasyon namin kasi pa-30 na rin ako, parang sakto, 30 na rin ako next year.

“So, gusto ko na magpakasal, gusto ko na magka-baby, para may bago sa buhay. Doon rin naman tayo papunta, why not paagahin na lang?” aniya pa.

Sa ngayon daw ay patuloy ang ginagawa nilang preparation para sa kanilang kasal.

Sabi ni Shaira, kumpleto na rin daw ang kanilang wedding entourage, kung saan makakasama nga ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nila ni EA sa showbiz.

“‘Yung kasal po, definitely this year na po ‘yan,” ang pagbabahagi ni Shaira sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Ibinalita rin ng Kapuso star na sa South Korea pa raw nila bibilhin ang gagamitin niyang wedding gown.

“Bibilin ko siya sa Korea, kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila. Mahilig ako sa K-Drama, K-Pop, BTS, so gusto ko lagyan ng something very personal sa’kin,” sey ng TV host.

Sey pa ni Shaira, church wedding ang napili nila ni EA na mangyayari sa Silang, Cavite, “Para po tahimik, away from the noise. My dream wedding, very intimate lang po, close friends.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama raw sa entourage sina Arra San Agustin, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra at Julia Montes, “’Yung mga naka-witness ng love story namin from the very start, nandiyan po sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending