Sino kina Shaira at EA ang dapat humawak ng pera kapag kasal na?
NGAYON pa lang ay pinag-uusapan na rin ng engaged couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman ang tungkol sa kanilang finances sakaling kasal na sila.
Hindi pa man ikinakasal ang magdyowang Kapuso stars ay talagang dini-discuss na nila ang mahahalagang bagay na dapat isinasaalang-alang ng mag-partners.
Ayon kay Shaira, isa na nga riyan ang isyu kung sino sa kanila ni EA ang dapat na humawak ng pera kapag nagsasama na sila bilang mag-asawa na kadalasang pinagtatalunan kapag kasal na ang magdyowa.
Baka Bet Mo: EA Guzman pag-iipunan ang dream wedding nila ni Shaira Diaz sa 2026
“Yes. Actually alam nga namin ang savings ng bawat isa. Parang ginagawa namin siyang inside joke sa amin na ‘O ayan na naman ang laki ng papasok sa ‘yo. Maglibre ka naman!’” ang natatawang chika ni Shaira sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday.
Sey pa ng Kapuso actress-TV host, mas gusto raw ni EA na siya ang mag-handle ng kanilang pera kapag mag-asawa na sila.
View this post on Instagram
“Pero pagdating sa future, kapag ikinasal na kami, very open naman din kami, at si Edgar din po, sinasabi niya na ‘Kapag kasal na tayo ikaw na ang hahawak ng pera natin,’” pagbabahagi ni Shaira.
Kinumpirma rin ng “Unang Hirit” host na mangyayari ang wedding nila ni EA sa 2026.
Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’
“Basta ang kasal ay sa 2026?” ang tanong sa kanya ni Tito Boy. “2026, opo,” mabilis na sagot ni Shaira.
Dito, muli ngang nabuksan ang usapan tungkol sa pinaiiral nila ni EA na celibacy o hindi pagse-sex hangga’t hindi pa nababasbasan ng simbahan ang kanilang pagsasama.
“Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, ‘yung mga binigay nila sa aking advice.
“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage,” pahayag pa ni Shaira.
Pero muling nabanggit ng dalaga na hindi siya tutol o kontra sa mga magdyowa na iba ang pananaw at paniniwala hinggil sa marriage muma before sex.
“Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save ‘yon para sa kasal namin,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.