EA, Shaira ginagamit ng mga pari sa pagmimisa: Sex is sacred

EA Guzman, Shaira Diaz ginagamit ng mga pari sa pagmimisa: Sex is sacred

Ervin Santiago |April 22,2024
facebook
share this

EA Guzman, Shaira Diaz ginagamit ng mga pari sa pagmimisa: Sex is sacred

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 07:50 AM

EA Guzman, Shaira Diaz ginagamit ng mga pari sa pagmimisa: Sex is sacred

EA Guzman at Shaira Diaz

BIDANG-BIDA ang Kapuso celebrity couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman sa ilang simbahan kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa “premarital chastity.”

Naging inspirasyon ng maraming magdyowa ang desisyon nina EA at Shaira na hindi sila magse-sex hangga’t hindi pa sila kasal at nagsasama bilang mag-asawa.

Baka Bet Mo: Zia Dantes ‘Most Outstanding Swimmer’, Dingdong hindi present sa event ng anak pero…

In fairness, sila na ngayon ang ginagawang halimbawa ng mga magulang pati na ng mga pari kapag napag-uusapan ang tungkol sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)


Natutuwa naman ang showbiz couple kapag naririnig nila ang magaganda at positibong komento ng mga tao hinggil sa sinusunod nilang premarital chastity o yun ngang tinatawag na “no sex before marriage”.

Sa panayan ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito, nabanggit nina EA at Shaira na hindi naman nila ipinagpipilitan na gawin din ng ibang mga kabataan ang kanilang pinaninindigang paniniwala.

Baka Bet Mo: EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

“Iba ‘yung understanding namin sa isa’t isa at mas lalo naming napatunayan ‘yon nu’ng in-announce namin ‘yung engagement.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi namin ini-expect na tatanggapin ng tao. Naging inspiration siya. Ang sabi namin sa sarili namin, ‘Ituloy lang natin ‘to,’” ang pahayag ni EA.

“Naging part pa kami ng homily. May dalawang priest na sinama kami sa homily.

“May nagse-send na lang sa amin ng video, ng link na nag-trend. Nagulat kami kasi ang ganda ng pagtanggap na, ‘Oo nga sa generation ngayon mahirap makahanap ng ganitong klase (ng relasyon),’” sabi naman ni Shaira.

Patuloy ng “Unang Hirit” host, “Doon sa parte ng homily na ‘yon may na-realize pa kami lalo. Sabi ng priest doon, ‘Bakit? Magpapakasal ka lang ba para sa sex?’

“Hindi kasi, sex is sacred. Your body is sacred. So dapat hindi siya basta basta ganon kadali ibigay sa iba.’

“Porket ginagawa na siya ng maraming tao ngayon ibig sabihin normal na siya. Hindi, okay lang hindi maging katulad nila.

“I have nothing against them kung ayun ang desisyon nila kasi katawan naman nila ‘yan,” dagdag pa ni Shaira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahigit 11 years na ang relasyon nina EA at Shaira at kamakailan lamang ay ibinandera nga ng magdyowa engaged na sila noon pang 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending