Ogie inispluk ang nag-No. 1 sa opening day ng MMFF 2024, kaninong entry kaya?
IBINANDERA ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang pinakabagong update tungkol sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Sa Facebook, ibinunyag ni Ogie kung aling pelikula ang nangunguna sa box office sa opening day ng film fest.
Ayon daw sa source niya, kasalukuyang number one sa takilya ang pelikula na pinagbibidahan ni Vice Ganda na “Ang The Breadwinner Is…”
“Wala pa daw sa kalahati ng gross nito ang #2 ‘nung opening day nito ‘nung Pasko,” sey ng entertainment columnist sa post.
Kasunod niyan, ibinahagi ni Ogie ang ranking ng iba pang official entry.
Baka Bet Mo: MMFF Review: ‘Uninvited’ ibang level, walang tapon ang lahat ng eksena
Pumapangalawa sa box office ang “The Kingdom” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
Nasa ikatlong listahan ang “Espantaho” ni Judy Ann at Lorna Tolentino, Pang-apat ang “Uninvited” nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre, habang pang-lima ang “Green Bones” nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Ang bumubuo naman sa Top 10 ay ang mga pelikulang “Topakk,” “My Future You,” “Strange Frequencies,” “Hold Me Close,” at “Isang Himala.”
Wika ni Ogie sa FB, “Kung totoo man ito, congrats. Kung hindi, paki-correct na lang ang ranking kung mali ang source ko.”
Paglilinaw pa niya, “Magbabago pa ang trend niyan after the awards night. Normally, pag humahakot ng awards, naku-curious ang mga tao na panoorin.”
Kasunod niyan, inilarawan ni Ogie ang pagsali sa MMFF bilang isang sugal na kailangang maging triple ang naging puhunan sa pelikula para mabawi ang mga nagastos.
“For example, may isang pelikula diyan, 90M ang puhunan; yung isa naman ay 68M. Yung isa ay 60M naman. So i-times 3 mo ‘yun para mabalik lang ang puhunan. Wala pa yung kita doon,” paliwanag niya.
Bukod sa pagiging magastos, kailangan din daw talaga na todo effort pagdating sa ganitong film fest dahil bukod sa promo at marketing, may mga out-of-town mall shows pa na kailangang gawin para mapansin ang pelikula.
“Kaya sa MMDA, baka mai-consider nyong 6 to 8 entries na lang next year para malaki ang chance na kumita lahat o kahit man lang maibalik ang puhunan,” panawagan ni Ogie.
Ang MMFF 2024 ay aarangkada sa mga lokal na sinehan hanggang January 7, 2025.
Ang Gabi ng Parangal ng film fest o awards night ay gaganapin na mamaya (Dec. 27) sa Parañaque City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.