Enrique Gil ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz

Enrique Gil ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, anyare?

Therese Arceo - December 21, 2024 - 02:23 PM

Enrique Gil ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, anyare?

CURIOUS ang talent manager-comedian at showbiz insider na si Ogie Diaz kung bakit hanggang ngayin ay wala pa siyang natatanggap na tugon mula sa kampo ni Enrique Gil.

Matagal na rae kasi niyang hinihiritan ang Kapamilya actor na ma-interview sa kanyang mga vlogs pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita tungkol sa kanyang request.

Sa isa sa mga episodes ng “Showbiz Updates” na ipinalabas noong December 19, kinumusta ng kanyang co-host na si Mama Loi ang samahan nila ng binata.

Baka Bet Mo: Enrique Gil, Rob, Alexa ‘napaglaruan’ sa haunted hospital sa Taiwan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Humihirit ako ng interview kay Enrique. Diyos ko, kung sino-sino na nilalapitan ko. Walang balik sa akin,” saad ni Ogie.

Aniya, nais lang talaga niya itong makapanayam at hindi lang para sa views.

“Sa totoo lang, gusto kong makapanayam si Enrique. Hindi dahil for the views. Wala lang. Unang-una, hindi naman kami magkagalit ni Enrique,” chika pa ni Ogie.

Kuwento naman ni Mama Loi, noong pandemiv raw ay dumalaw pa sila sa nbahay ng aktor.

Ngunit marahil ay nakaramdam ng tampo si Enrique dahil minsang natawag ni Ogie na ungrateful ang dating alaga at ex-dyowa naman niyang si Liza Soberano.

Wala namang malinaw na rason na inilalabas ang kampo ni Enrique kung may sama nga ba ito ng loob kay Ogie o baka naman umiiwas o nagla-lie low lang ito sa nga interview.

Samantala isa ang bina sa cast ng Metro Manila Fil Fest entry na“Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending