‘Uninvited’ ibang level, walang tapon ang lahat ng eksena

MMFF Review: ‘Uninvited’ ibang level, walang tapon ang lahat ng eksena

Pauline del Rosario - December 26, 2024 - 04:36 PM

MMFF Review: ‘Uninvited’ ibang level, walang tapon ang lahat ng eksena

PHOTO: Instagram/@mentorqueproductions

NAGHAHANAP ba kayo ng pelikulang tatatak sa isip mo?

Nako, siguradong ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Univited” ang sagot diyan!

Noong December 25, sa opening day ng film fest, napanood ng BANDERA ang revenge thriller film at tinitiyak namin na ang kakaibang kwento na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga Muhlach ay hindi pa napapanood sa local movie scene.

At kung ilalarawan namin ang naging experience habang pinapanood ang “Uninvited?”

Nako, mula umpisa hanggang dulo ay mapapahawak ka talaga sa upuan dahil ganun siya ka-intense, ka-next level, at ka-out of this world!

Baka Bet Mo: Nadine minura-mura si Aga; agad-agad nag-YES sa ‘Uninvited’

Hindi naman namin pwedeng i-spoil ang mga nangyaring eksena sa MMFF movie, pero dadalhin ka nito sa isang rollercoaster ride ng emosyon, aksyon, at kakaibang kwento.

Sa direksyon ni Dan Villegas, napanatili nito ang galing ng mga pelikulang Pinoy habang nagdadala ng sariwang perspektibo at matinding emosyon na bihirang makita sa mga local releases.

Mapapansin agad ang husay ng cinematography na nagpatingkad sa bawat eksena. 

Ang detalyado at maayos na video editing ay tumulong upang magkaroon ng “seamless flow” ang kwento, habang ang color grading naman ay nagbigay ng kakaibang visual na karanasan—madilim pero may artistry na bumagay sa tono ng pelikula. 

Ang sound scoring ay isang obra maestra rin na nagbibigay ng tamang tensyon sa bawat eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Si Vilma naman, ipinakita niya na hindi lang siya pang-drama kundi pang-action din!

Muling pinatunayan ng Star for All Seasons ang kanyang versatility at kahusayan sa pag-arte. 

Ang mga action sequences niya ay kapani-paniwala at puno ng emosyon, nagdadala ng bigat sa bawat eksenang kinatatampukan niya. 

Tunay na karapat-dapat pa rin siya sa kanyang titulo bilang isa sa pinakamaningning na bituin ng industriya.

Hindi rin nagpahuli si Aga Muhlach na ibang-iba ang naging atake sa kanyang karakter bilang kontrabida. 

Sa sobrang husay niya sa pagganap, nakaramdam kami ng inis, galit, at kahit pagkadiri sa kanyang role—isang bagay na hindi madalas makita sa kanyang mga pelikula. 

Isa itong patunay na hindi lamang siya pang-bida dahil kaya niyang lumabas sa kanyang comfort zone at magdala ng malalim na dimensyon sa kwento.

Si Nadine Lustre naman ay nagbigay ng isang natatanging performance na malayo rin sa kanyang mga nakasanayang roles. 

Ang kanyang pagiging naughty at wild sa pelikula ay natural na natural.

Hinangaan namin ang kanyang kakayahang mag-transform at magpakita ng ibang side ng kanyang talento.

Overall, ang “Uninvited” ay hindi lang basta pelikula dahil ito ay isang cinematic experience na tatatak sa puso’t isipan ng mga manonood. 

Mula sa teknikal na aspeto hanggang sa mga performance ng cast, masasabi naming isa ito sa mga pinakamagandang pelikula ng MMFF 2024. 

Dahil diyan, bravo sa buong production team at sa mga artista na nagdala ng kakaibang kilabot, emosyon, at excitement sa big screen!

Ang “Uninvited” ay produced by Mentorque Productions, ang producer ng MMFF 2023 hit na “Mallari,” at sa pakikipagtulungan ng Project 8 Projects at Warner Bros. Pictures.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa tatlong bigtaing celebrities, tampok din diyan sina Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, Ron Angeles, at marami pang iba.

Tampok sa MMFF 2024 ang sampung official entries na ipapalabas sa mga lokal na sinehan hanggang January 7, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending