Vilma kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ kaysa sa ‘Espantaho’

Vilma nagsalita na kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ kaysa sa ‘Espantaho’

Pauline del Rosario - November 24, 2024 - 12:33 PM

Vilma nagsalita na kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ kaysa sa ‘Espantaho’

PHOTO: Courtesy of Mentorque Productions

SINAGOT na ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang kumakalat na isyu sa pagitan ng dalawang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.

Marami kasi ang nagtataka kung bakit mas pinili ni Ate Vi ang “Uninvited” kaysa sa “Espantaho.”

Itinanong din ‘yan mismo sa naganap na biggest and grandest launching event ng “Uninvited” na naganap sa Solaire North, Quezon City noong November 20.

Paliwanag ng batikang aktres, “Ang nangyari lang kasi parang nagkaroon ng problema sa character na gagampanan ko. ‘Yun lang ‘yun and then inayos naman.”

Inamin din niya na very excited sana siyang makasama si Judy Ann Santos sa “Espantaho” ngunit, “The last thing kasi that I heard –while they’re preparing for the movie…Nalaman ko na lamang po na sinumbit ‘yung script sa first five para sa MMFF but unfortunately parang hindi napasok, hindi napasok sa first five.”

Baka Bet Mo: Juday pinakyaw tinda sa foodcart, ipinalafang sa lahat ng nasa shooting

Patuloy niya, “So it was also Atty. Joji who told me, ‘Go ahead and do the one of Direk Dan Villegas because he is also one of my son,’ sabi ni Direk Joji, ‘Do it and I will promise you, I will watch that movie.’ So doon po nanggaling lahat ‘yun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Para sa kaalaman ng marami, ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang nag-produce ng “Espantaho” kasama ang Cineko Productions at Purple Bunny Productions ni Judy Ann.

Samantala, ibinunyag naman ni Mentorque CEO John Bryan Diamante na hindi mabubuo ang “Uninvited” kung wala si Ate Vi.

“Actually, sa kanya po nanggaling ‘yung istorya…of course, bilang bagong producer, pangarap mo siyempre ang isang Vilma Santos. Ilang beses po kaming nagpi-pitch. Sabi ko sa kanya, ‘Tigilan na natin ito, ano ang gusto mong gawin? Sabihin mo samin.’ And then marami po siyang binigay na parang peg,” chika niya.

Dagdag ng CEO, “So nagkaroon ng magandang pagkakataon po na napaupo po namin sila Direk Dan and the entire team, nakagawa ng istorya…we never expected that we will able to do ‘Uninvited’.”

“So wala po talagang ‘Uninvited’ dahil si Ate Vi po ang nagbigay ng istorya sa amin kaya po nabuo ang ‘Uninvited’,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Humirit naman si Ate Vi at sinabi na dream story niya ang ginawang pelikula with Agah Muhlach and Nadine Lustre.

“Kung titingnan niyo po ‘yung interviews ko noon…Matagal ko na pong sinasabi ‘to, na gusto kong gumawa ng isang pelikula na nangyari lang ng 24 hours na mag-uumpisa siya ng maganda, matatapos na delapidated na siya, ‘yung ang gusto ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko alam ‘yung gitna kung paano mangyayari ‘yun. Sila Direk ang nangyari ng istorya sa gitna hanggang nabuo ‘yung ‘Uninvited.’ Binuo nila ‘yung story para doon sa dream ko,” wika pa ng batikang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang “Uninvited” ay kabilang sa official entries ng MMFF ngayong taon at mapapanood na ito simula December 25.

Bukod kina Vilma, Aga and Nadine, tampok din diyan ang star-studded cast na sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio, Elijah Canlas, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending