Juday pinakyaw tinda sa foodcart, pinalafang lahat sa shooting

Juday pinakyaw tinda sa foodcart, ipinalafang sa lahat ng nasa shooting

Reggee Bonoan - September 30, 2024 - 10:09 AM

Juday pinakyaw tinda sa foodcart, ipinalafang sa lahat ng nasa shooting

Judy Ann Santos

SA isang event na dinaluhan namin over the weekend ay may kasamahan kami sa trabaho na nagkuwentong ang sarap daw sa shooting ng pelikulang “Espantaho” ni Judy Ann Santos dahil bumabaha ng pagkain.

“Nakakaloka sa set ng Espantaho! Ang dami-daming food, mabubusog ka talaga. May dalang pagkain si Juday, meron si LT (Lorna Tolentino), may pa-food din si Chanda (Romero), wala kaming ginawa kundi kumain,” masayang kuwento ng aming co-worker.

May insidente pa raw na pinakyaw ni Juday ang laman ng foodcart kung saan niyaya ang lahat ng production crew para magmeryenda kaya tuwang-tuwa ang lahat.

“May nagtitinda rin ng chicharron, ang sarap kasi bagong luto. Natikman ni Juday, hayun binili lahat at pinakain sa lahat.

Baka Bet Mo: 100 hinandugan ni Sam Verzosa ng sariling foodcart franchise business

“Biro ko nga, alam mo hindi matatapos ang shoot kasi lahat ng tao high blood na dahil sa chicharon. Lahat nagpapa-BP (blood pressure) na du’n sa medics,” masayang tsika pa sa amin.

Matagal na naming kilala si Judy Ann at generous nga siya pagdating sa pagkain tulad din nina Rosanna Roces na talagang nagluluto para sa lahat ng production at noong nabubuhay pa si Da King Fernando Poe, Jr. ay bumabaha rin ng pagkain sa set at ikaw na lang ang susuko sa kabusugan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Wala naman kaming makukuwento kay Lorna dahil hindi pa naman namin siya nakasama sa shooting or taping.

Nagtanong kami sa aming kasamahan sa panulat kung kumusta ang shooting ng “Espantaho”, “Bawal magkuwento pero ang masasabi ko, ang ganda at knows mo naman pag direk Chito (Roño), di ba?”

Hayan, nadagdagan din ang curiosity ng mga nakarinig tungkol sa bagong horror movie ni Juday na “Espantaho” at hindi raw talaga nila ito palalampasin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending