Sharon wish makasama sa pelikula sina Piolo at Juday, choosy na nga ba?

Judy Ann Santos, Piolo Pascual at Sharon Cuneta
ISA sa mga nasa wish list ngayon ni Megastar Sharon Cuneta bilang artista ay ang makatrabaho si Piolo Pascual at makasama muli sa isang project si Judy Ann Santos.
Puring-puri ng mga manonood ang acting ni Mega sa Kapamilya series na “Saving Grace: The Untold Story” kung saan nakikipagbardagulan siya ng acting kina Julia Montes at Janice de Belen.
Siyempre, feeling thankful ang isa sa mga original na Box-Office Queen ng Philippine movie industry sa natatanggap na magagandang feedback sa pagganap niya sa “Saving Grace.”
Sa panayam ng ABS-CBN, natanong naman si Mega kung sinu-sino pa ang nais niyang makasama sakaling gagawa uli siya ng pelikula.
“Sa boys si Piolo, kasi dati may binring-up sa akin na idea sina Deo, Tita Cory or sabay, may iba pang nakalinya. And I’d love to work with Judy Ann,” ang mabilis na sagot ng movie at TV icon.
So, posible bang magkaroon ng Sharon-Piolo-Juday movie in the future, “Yun nga di ba? Pero hindi na pwedeng triangle. Ha-hahahaha!
“At this stage, hindi na ko sa karera. Tapos na ako doon. At this age, you have more freedom and you can be choosy,” ang sey pa ni Sharon.
Mas gusto raw niyang gumawa ngayon ng mga proyektong mas matsa-challenge ang kanyang acting pero priority pa rin niya ang makasama ang mga artistang comfortable na siyang maka-work.
“Parang mas mahalaga sa akin na makatrabaho ko yung mga kaibigan ko na matagal ko nang kilala at yung parang masaya pumunta sa set,” paliwanag ni Ate Shawie.
Samantala, puring-puri naman ni Mega ang child actress na si Zia Grace na kasama nila sa “Saving Grace: The Untold Story”. Natutuwa rin siya sa pagiging sweet ng bagets.
“Napakalambing nu’ng bata. Napaka-clingy. Siya talaga yung after a scene, yayakap agad yan kakandong, parang mga anak mo nung maliit pa. Magandang paggagabay ng magulang niya sa kanya,” kuwento pa ni Sharon sa naturang interview.
”Kami unang nakasama, tapos nakita namin yung pinuhunang emotions niya sabi nga namin, hindi namin alam kung saan niya dinudukot, kasi all the nuances are all hers. Magaling talaga siya to begin with,” sey pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.