Judy Ann, Ryan mahilig tumambay sa CR, ano kayang trip na ginagawa?

Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
HALOS dalawang dekada nang magdyowa ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at mukhang mas pinatibay pa ngayon ang kanilang relasyon.
Turning 16 years na silang nagsasama ngayon bilang mag-asawa at in fairness, wala tayong masyadong nabalitaan na nagkaroon sila ng matinding away o isyu as a married couple.
Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kay Juday, isa sa mga napag-usapan ay ang dynamics nila ngayon ni Ryan when it comes to their relationship now bilang mag-asawa at mga magulang.
Natanong ni Tito Boy ang award-winning actress kung nagkaroon na ba sila ng matinding away ni Ryan dahil sa pagseselos.
Sey ni Judy Ann, “Hindi naman mawawala sa isang relationship ang selos, Tito Boy, lalo na nu’ng nagsisimula kami, meron at meron talaga.
“Pero ngayon, siyempre, matatanda na kami, nag-mature na kami. Ibang level na ‘yung mga issue namin, mostly para sa aming dalawa talaga, wala na masyadong concern na ibang tao.
“Kung meron man, hindi na siya ‘yung napakababaw na dahilan,” chika pa ng Soap Opera Queen.
View this post on Instagram
Sunod na question ng King of Talk, “How do you keep yourselves interested with each other? I know you spend a lot of time in the banyo. Ano ang ginagawa n’yo sa banyo ni Ryan?”
Tugon ni Juday, “Nagtsitsismisan lang kami, mindless conversations. Conversations na maaaring malalim, maaaring para sa kinabukasan ng mga bata, maaaring may tsinismis lang akong nasagap na balita sa industriya.
“Marites ako sa bahay e, itsitsimis ko sa kanya, mga ganu’n lang. I think eventually we were able to find a way na, ‘Ay, importante pa lang may ganito tayo,’” saad pa ng aktres.
Matatandaang ikinasal sina Ryan at Judy Ann noong 2009 at biniyayan ng tatlong anak– sina Yohan, Lucho, at Luna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.