Sharon sa kaso laban kay Cristy: There's so much unfairness

Sharon Cuneta sa kaso laban kay Cristy Fermin: There’s so much unfairness

Therese Arceo |May 10,2024
facebook
share this

Sharon Cuneta sa kaso laban kay Cristy Fermin: There’s so much unfairness

Therese Arceo - May 10, 2024 - 07:07 PM

Sharon Cuneta sa kaso laban kay Cristy Fermin: There's so much unfairness

DUMULOG sina Megastar Sharon Cuneta at ang asawa nitong si dating Senador Kiko Pangilinan sa Makati City Prosecutor’s Office para sampahan ng kasong cyber libel ang kolumnistang si Cristy Fermin.

Nitong Biyernes ng umaga, May 10, magkasamang pumunta ang mag-asawa para personal na maghain ng reklamo laban sa “Showbiz Now Na” host.

Sa interview ni MJ Felipe kina Sharon at Kiko, sinabi nitong nagsampa sila ng kaso dahil sa “malicious imputations and defamation” na dulot ng mga ibinabalita tungkol sa kanilang personal na buhay.

“Sabi nga namin, yes we are public figures but we also have rights. Eh ang daming nagsasabi na ‘hindi, pag public figure kayo dapat tiisin na ninyo yung pagsisinungaling at paninira’ but that’s not the case.

Baka Bet Mo: Sharon, Kiko nagsampa ng reklamong ‘cyber libel’ laban kay Cristy Fermin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“In fact, we also have private rights, lalo na when the matter is not of public interest,” saad ng dating senador.

Aminado naman si Sharon na mabigat para sa kanya ang pagsasampa ng kaso laban kay Cristy dahil noong 2021 lang nang sinubukan niyang mag-reach out rito sa kabila ng kanilang mga hindi pagkakaintindihan noon.

Ngunit ngayon raw kasi ay nadadamay na rin ang kanyang mga anak kaya naman sal siyang choice kundi gumawa na ng hakbang laban dito.

“It gets to a point kasi na it affects your children, your family. I lost sleep over it. Kasi kahit hindi totoo, parang siyempre kahit papaano may limang maniniwala,” lahad ni Sharon.

Pagpapatuloy pa niya, “I reached out to her. I had so much affection for her kasi feeling ko ang tanda na natin, ang tanda ko na. I was only looking for good points. And then after a while, parang suddenly I was shocked may konting lalabas, hinusgahan ka na agad. ‘Di ka man lang tinanong. There’s so much unfairness.”

Chika pa ni Sharon, sa kanyang mahigit apat na dekada sa mundo ng showbiz ay dalawang beses pa lang siyang nagsasampa ng kaso laban sa ibang tao dahil ayaw talaga niya ang mga ganitong bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam mo, ayoko nito. I’m old na. I thonk nagtanim ako ng goodwill sa show business. Wala akong ibang ginawa kundi magtrabaho. [‘Yung] kagandahang loob na pinapakita ko walang makapagsasabi na it’s not real,” sey pa ng Megastar.

Naiyak naman si Sharon nang matanong kung ano ang naging reaksyon ng kanyang mga anak sa mga sinasabi ni Cristy sa kanyang online vlog na “Showbiz Now Na”.

“Even my children have suffered, ang sama ng loob nila. We’ve been off social media partly because of this. Ayoko ‘to eh. Oo artista kami, pero nasasaktan din kami. ‘Pag pinipintasan ako okay lang, pero sumobra na eh,” giit pa ng singer-actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending