Sharon, Kiko nagsampa ng reklamong ‘cyber libel’ laban kay Cristy

Sharon, Kiko nagsampa ng reklamong ‘cyber libel’ laban kay Cristy Fermin

Pauline del Rosario - May 10, 2024 - 11:37 AM

Sharon, Kiko nagsampa ng reklamong ‘cyber libel’ laban kay Cristy Fermin

PHOTO: Instagram/@nelsoncanlas

NADAGDAGAN ang kasong cyber libel ng showbiz columnist na si Cristy Fermin!

Ito ay matapos magsampa ng reklamo ang mag-asawang Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan, ayon sa ibinanderang Instagram post ng entertainment reporter na si Nelson Canlas.

Ngayong araw, May 10, nang dumulog ang mag-asawa sa Makati City Prosecutor’s Office.

Ang rason, ayon sa update ng reporter, ay dahil sa mga ibinabalitang walang basehan at malisyosong pahayag tungkol sa kanilang personal na buhay at pamilya.

Former Senator Francis “Kiko” Pangilinan and his wife, actress Sharon Cuneta filed cyber libel charges before the Makati City Prosecutor’s Office against showbiz columnist and host Cristy Fermin for broadcasting baseless and malicious statements regarding their personal and family affairs,” caption sa post ni Nelson, kalakip ang litrato nina Sharon at Kiko na nakataas ang kanang kamay.

Baka Bet Mo: Bea nasaktan, nasagad ang pasensya sa mga paninirang-puri, sey ng lawyer

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nelson Canlas (@nelsoncanlas)

Kamakailan lang din nang magsampa ng kaso ang award-winning actress na si Bea Alonzo laban kay Cristy, pati na rin sa showbiz insider na si Ogie Diaz at ang kanilang co-hosts sa kani-kanilang showbiz programs.

Kabilang din sa idinemanda ay ang hindi pinangalanang netizen na nagsasabing kilala niya si Bea ng personal.

Dumulog ang Kapuso actress sa Quezon City Prosecutor’s Office kung saan kabilang sa mga inireklamo niya ay ang ulat na umano’y hindi siya nagbabayad ng buwis.

Bukod diyan, maraming naglabasan din na reports patungkol kina Bea at dating partner na si Dominic Roque matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong Pebrero.

Sa news program na “24 Oras” noong May 2, sinabi ng legal counsel ni Bea na si Atty. Joey Garcia na ang paghahain ng mga reklamo ng aktres ay paraan upang igiit ang kanyang mga karapatan.

Labis din daw nasaktan ang aktres sa walang tigil na paninirang puri laban sa kanya.

“She has been in the industry for more than 20 years, and yes, she was greatly devastated, she was affected by all these defamatory statements thrown against her,” sey ng abogado.

“She asserted her right to proceed with filing these criminal cases against the individuals responsible for making all of these damaging statements against her,” sambit ng lawyer.

Unang nag-react sa pagdemanda ni Bea si Ogie na kung saan ay humingi muna siya ng paumanhin sa mga kaibigang reporters na hinihingan siya ng panig.

Ayon sa kanya, ayaw muna niya magsalita hangga’t hindi pa natatanggap ang subpoena.

Sumagot naman si Nanay Cristy at sinabi niya na hindi pa rin niya natatanggap ang subpoena kaya wala pa siyang alam kung ano ang nilalaman nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa kanya, karapatan ng kahit sino ang magsampa ng kaso, pero ang hindi lang daw niya matanggap ay ‘yung sinasabing pinagkakakitaan nila ni Ogie si Bea sa pamamagitan ng kanilang showbiz vlogs.

Samantala, wala pang pahayag si Cristy sa bagong kaso na isinampa sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending