Cristy Fermin kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati

Cristy Fermin, 2 iba pa kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati

Reggee Bonoan |March 14,2024
facebook
share this

Cristy Fermin, 2 iba pa kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati

Reggee Bonoan - March 14, 2024 - 07:19 AM

Cristy Fermin, 2 iba pa kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati

Sarah Lahbati, Esther Lahbati at Cristy Fermin

SINAMPAHAN ng kasong cyber libel ang “Showbiz Now Na” hosts na sina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ng ina ni Sarah Lahbati na si Gng. Esther Lahbati.

Matatandaang nagpakuha pa ng larawan ang ama at ina ni Sarah sa harapan ng gusali ng Department of Justice noong Pebrero 29.

Ang caption ay, “#Finally na post ko na rin itong picture na to taga rito ako sa Philippines ngayon lang ako nakapagpa picture dito sa DOJ (Philippine flag emoji).”

Inakala ng netizen na si Richard Gutierrez ang sangkot sa kaso ng mga magulang ng kanyang asawang si Sarah at may kinalaman ito sa kustodiya ng kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

Baka Bet Mo: Claudine Bautista-Lim nagsalita matapos kumalat ang cyber libel case laban kay Enchong Dee

May nabasa rin kami na ang ina raw ng aktor na si Annabelle Rama ang kinasuhan pero hindi pala.

Sabi ng netizen na si shin_maeo2, “Dapat makatikim den paminsan minsan si Anabel Rama ng katapat n’ya masyadong defamation ginawa ny’a sa babae para lang ipagtanggol ang anak. Nakakahiyang nanay ang ganyan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Estrella Lahbati (@estherlahbati)


Sabi naman ni Calla_rich_26, “Sumusubra na talaga ang mga Guttieriez. pati mga bata gusto kunin hindi naman sila ang nang puyat at nag ere jan. Lalo na si @annabelleramaig parang hindi nanay parang hindi anak parang hindi babae dapat alam niya ang lahat nang sakripisyo nang isang ina. itong @richardgutz mabait at responsible naman na sulsulan lang talaga nang nanay.”

May mga nabasa rin mula kay hermie_rayco, “Feeling ko si Cristy Fermin may demanda na naman.”

Kinumpirma ito ni ‘Nay Cristy na silang tatlo nina Romel Chika at Wendell ang kinasuhan ng magulang ni Sarah.

Kuwento ni ‘Nay Cristy sa “Showbiz Now Na” vlog nila kahapon, “Nang lumabas ang paghihiwalay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay walang sinuman sa kanilang dalawa ang kumukumpirma ang tagal! Hanggang sa isang araw ay nagsalita si Sara, “I am single!”

Nabanggit na ni ‘Nay Cristy na wala pa kina Richard at Sarah ang nagpapawalang-bisa ng kasal nila o nag-file ng annulment kaya wala pa raw karapatan ang sinuman sa kanila ang magsabing “I am single.”

At sinabi ng “SNN” host ang tungkol sa larawang ipinost ni Ms. Esther na nasa harap ng DILG.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama tinuluyan ng NBI, kinasuhan ng cyber libel dahil sa socmed post laban kay Jayke Joson

“Tutal sa kanya na rin po nanggaling ang tungkol (larawan) ay kami na po ang kukumpirma, kami pong tatlo. Kami pong tatlo ang kinasuhan ng cyber libel at hindi na po kami magdedetalye kasi ang mga abogado po namin ang nakakaalam ng mga detalyeng ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati)


“Nagkaharap na po kami ng minsan ni Aling Esther at naging mayos po ang aming pagkikita sa piskalya ng Quezon City.

“Kami po ‘yun (at) huwag na po kayong manghula na baka may isinampa kay Richard Gutierrez, kami po ang sinampahan nila ng kasong cyber libel,” sabi pa ni ‘Nay Cristy.

Bahagyang naikuwento rin ni ‘Nay Cristy ang malaking pagbabago ngayon kapag pumunta sa piskalya dahil lahat ng nagsampa ng kaso at ang mga kinasuhan ay maghihintay sa labas ng gusali at hihintayin ang tawag ng mga pangalan na nakamikropono.

Sa madaling salita naririnig ng ibang tao ang anunsyong ito ng nagtatawag na malayo noong panahong pabalik-balik si ‘Nay Cristy sa nasabing gusali para dumalo ng kanyang hearing.

“Dati nakapapasok ka sa room ng piskal at titingnan mo kung pang ilan ka o numero, ngayon iba na, nasa labas na po ‘yung mga nagdedemanda at idinedemanda,” natawang sabi ni ‘Nay Cristy.

Anyway, sa minsang pagkikita ng “SNN” host at ng ina ni Sarah Lahbati ay hindi raw ito nakilala nina Nanay Cristy dahil may edad na raw at may tungkod.

Ang ibinigay na schedule sa susunod na hearing ay hindi tugma sa schedule niya dahil may radio program sila kaya nakiusap si ‘Nay Cristy na hindi siya makararating dahil may programa sila kaya’t nag-request siyang iurong ang oras.

Pumayag naman daw ang ina ni Sarah at kung kailan ang availability ni Nay Cristy ay willing siyang maghintay bagay na ikinahanga ng manunulat.

“Marespeto at nakakatunaw at ang ganda-ganda kasi ng ating pagduduop,” sambit ni ‘Nay Cristy.

Pinasalamatan din ng host ang magulang ni Richard na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez dahil hindi sila iniwan sa ere.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming Salamat po sa pang-unawa sa amin,” sabi pa ni Nay Cristy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending