Cristy Fermin agree kay Bong: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo?
ANOTHER feather in his cap kay Sen. Bong Revilla, Jr. ang Revilla Bill na isa nang batas matapos pirmahan ni President Bongbong Marcos, Jr..
Ito ang magbibigay benepisyo hindi lamang sa mga Pinoy na aabot sa 100 years old kundi pati na rin sa mga may edad 80, 85, 90 at 95.
Napagkuwentuhan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na hindi lang ang mga may edad 100 ang makatatanggap ng cash gift P100,000 kundi maging ang mga edad 80, 85, 90 at 95 ay mabibigyan din ng P10,000.
Baka Bet Mo: Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita
“Katwiran ni Senador Bong Revilla aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo? Kapat otsenta anyos ka na matanda ka na kahit nga 70 o 60 may mga gamot na tayo at bitamina na dapat pagka-gastusan. Aba’y napakaganda naman ng puso ng senador na ito.
View this post on Instagram
“Kung sabagay lagi naman nating sinasabi taga-showbiz man o hindi ang ilapit mo kay Seandor Bong Revilla ay tumatalima kaagad siya.
“At sadyang matulungin kaya ang mga kababayan po natin hindi lamang po ang may edad na 100 ang binibigyan ng pagmamahal ng batas na ito meron na po para sa 80, 85, 90 at 95, 10 libo tuwing magdiriwang ng kaarawan,” pahayag ni ‘Nay Cristy.
Samantala, pinuri si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. dahil sa pag-apruba sa Revilla Law ni Sen. Bong Revilla, Jr. namg lagdaan nito ang panukalang batas ng senador na mas kilala sa tawag na Revilla Law kahapon, Lunes (Pebrero 26) na isinagawa sa Malakanyang.
Baka Bet Mo: Bong hindi na keri ang butt exposure sa pelikula; CC6 tuloy ang pagtulong
Si Sen. Bong ang principal author ng batas na ito, kung saan ang pinagmulan nitong panukala ay kanyang una at prayoridad na inihain sa kasalukuyang kongreso.
Aniya, “Taos-puso ko pong pinapupurihan at pinasasalamatan ang ating Pangulong Bongbong Marcos sa pagsasabatas ng ating pangunahing panukala upang amyendahan ang Centenarians Law.
“Ang matagal na nating ipinapaglaban para sa ating mga lolo at lola ay tuluyan na nating napagtagumpayan!
“This was my promise to the Filipino elders and I’m proud to say that I fulfilled it. Sa wakas ay makakasama na rin sa mga mabibigyan ng benepisyo yung iba pa sa kanila, hindi lamang yung mga aabot ng isang daan taong gulang.
“Layon po ng batas na ito na mapaaga ang pagbibigay natin ng benepisyo para sa ating mga lolo at lola. Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan. 80 pa lang, bibigyan na natin sila agad.
View this post on Instagram
“Pagdating ng 85, 90, at 95, bibigyan ulit natin sila. At kung ipagkaloob ng Panginoon na sila ay umabot ng isang daang taon, bibigyan natin sila ng mas malaking halaga bilang pagkilala sa kanilang narrating.
“Sabi nga, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Kaya hangga’t sila ay nabubuhay pa, iparamdam na natin sa kanila ang pagpapahalaga at pagmamahal ng gobyernong ito. At yan ay sa pamamagitan ng maagang pagbibigay ng inaasam-asam nilang pinansyal na regalo.
“Malaking bagay iyon para sa kanila lalo na’t may mga pangangailangan din sila at gastos para sa gamot, vitamins, supplement, pagkain at iba pa,” aniya.
Para maging mas epektibo ang pagpapatupad ng naturang batas, itinakda rin ang pagkakaroon ng Elderly Data Management System na pamamahalaan ng National Commission on Senior Citizens upang matiyak na ang mga kuwalipikadong mga benepisyaryo ay makakuha talaga ang cash gift na nararapat lang nilang matanggap.
“Kasama sa batas natin ang pagtatatag ng database para masiguro na wala tayong makakalimutan abutan ng benepisyo. With all the things our elders have done for our country, we should assure that they will receive all the honor and benefits they deserve,” sabi pa ni Sen. Bong.
Unang isinumite ng senador ang panukala sa pagsisimula pa lamang ng 18th Congress noong 2019 ngunit ngayon lamang ito naging isang ganap na batas.
“Sabi nga ng isang salawikain ay ‘Sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.” Noon ko pa ‘to ipinapaglaban. Priority bill ko na ito noong 18th Congress pa lang. And now, after a long and arduous battle for the welfare of our lolos and lolas, it is with beaming pride to say that we have won the fight,” sambit pa ng senator.
Siniguro rin ng mambabatas na patuloy niyang ipinapaglaban ang kapakanan ng mga nakakatanda, at hindi iyon natatapos sa pagkakapasa ng bagong batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.