Boss Toyo tumanggi kina Coco at Ruru, pero nag-YES kay Bong

Boss Toyo tumanggi kina Coco at Ruru, pero nag-YES agad kay Bong

Ervin Santiago - December 19, 2024 - 12:20 AM

Boss Toyo tumanggi kina Coco at Ruru, pero nag-YES agad kay Bong

Boss Toyo at Bong Revilla

PURING-PURI ni Sen. Bong Revilla ang content creator na si Boss Toyo na kasama sa season 3 ng kanyang action-comedy series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Natural na natural daw si Boss Toyo pagdating sa pag-arte sa harap ng camera kaya hindi raw sila nagkamali sa pagkuha sa vlogger-businessman para sa pagbabalik ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”.

“Actually, maraming nag-o-offer sa kanya, kababayan natin. Magaling na artista. First time niya. Natural na natural na artista. Innate na sa kanya.

Baka Bet Mo: Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

“Hindi siya magiging isang Boss Toyo kung hindi siya magaling kumonek sa mga tao. Nagba-vlog ka. Ipinaliliwanag mo ang message na gusto mong iparating sa kanila.

“Ibig sabihin niyon, may puso ka at may utak ka!” ang paglalarawan pa ni Sen. Bong patungkol kay Boss Toyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BOSS TOYO (@_bosstoyo)


In fairness, may offer din pala ang content creator na lumabas sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, “Lolong Season 2” ni Ruru Madrid, at pati ng bagong Kapuso series ni Miguel Tanfelix na “Mga Batang Riles.”

“Opo, natanggihan ko po, tulad ng ‘Batang Quiapo’, ‘Mga Batang Riles’, ‘Black Rider’. Kasi po maraming taping days, at hindi ko pa kaya noong time na yun na regular ang mga taping days,” esplika ni Boss Toyo.

Pero nang alukin daw siya ni Sen. Bong na mag-join sa season 3 ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na mapapanood pa rin sa GMA 7 ay napaoo agad siya.

“Dito kasi whole day lang, kaya grinab ko ang opportunity na makalabas sa telebisyon.

“Saka, kalugar ko kasi si Sen. Bong. Tapos, maganda nga ang schedule na ibinigay nila sa akin. Kung ano ang free time ko, ‘yun ang schedule ko, binigay nila.

“Ang saya ng experience ko. May konting action, may comedy rin. At na-amaze ako sa mga kasama ko sa set. Sabi ko nga, ganu’n pala talaga ang mga artista, ang gagaling. Iba ang pakiramdam ‘pag umaarte na,” pahayag pa ni Boss Toyo.

Sa tanong kung tuluy-tuloy na ba ang kanyang pag-aartista, “Depende po talaga, kung mabibigyan pa ng pagkakataon, at kung kaya rin naman ng schedule natin. Pero sobrang nag-enjoy po ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa niyang papuri kay Sen. Bong, “Sobrang bait. Ang mga direktor, tulad ni Direk Enzo Williams, alagang-alaga ako. Maraming salamat talaga sa magandang experience na pinaramdam nila sa akin.

“Pero, na-starstruck po talaga ako sa kanila, sa mga nakasama kong artista. Dati kasi napapanood ko lang sila, pero ngayon nakakasama ko na sila.

“Ang daming mga tao na noon na nakikita ko lang sa TV, nababasa ko lang sa diario, ngayon nakakasama ko na. Masaya po,” sabi pa niya.

Sinu-sino pabang mga artistang nais niyang makatrabaho sa showbiz, “Marami pa akong gustong makasama. Gusto ko si Bossing Vic Sotto. Sa mga babae, si Ina Raymundo.

“Sa vlog ko halos lahat nakasama ko na, na mga pinapanood ko lang dati, ngayon nakasama ko na lahat. Pero si Ina, gusto ko talagang makasama sa project!” chika pa ni Boss Toyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” season 3 simula sa December 22, sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending