Herlene naloka sa beso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya...

Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

Ervin Santiago |January 28,2024
facebook
share this

Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 12:15 AM

Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

Bong Revilla, Beauty Gonzalez at Herlene Budol

LAUGH trip ang entertainment press pati na ang mga co-stars ni Herlene Budol sa mediacon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Ibinahagi kasi ng Kapuso actress at beauty queen ang naging pakiramdam niya nang malamang makakasali siya sa season 2 ng naturang action-sitcom na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla.

Kuwento ng dalaga, nalaman niya na mapapabilang siya sa cast ng programa nang um-attend siya sa 57th birthday celebration ni Sen. Bong na ginanap noong September 25, 2023.

Baka Bet Mo: Bong inatake ng nerbiyos dahil kina Beauty at Max, kinarir ang pagpapa-yummy: ‘Alam kong magaganda at sexy sila kaya nagpakundisyon din ako’

“Actually, nu’ng birthday ho ni Senator Bong, nagulat ho ako, invited ako. Akala ko ho, hindi niya ako kilala,” ang simulang chika ni Herlene sa mediacon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” last Friday, January 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy ng komedyana, “Pumunta po ako sa hotel, bawal nga daw ho magsama ng iba. Sabi ko, hala, ang gaganda ng mga sasakyan tapos ako, pagbaba ko, inasar pa nga ako, akala nila Grab tapos ako yung nagda-drive.

“Nagpa-valet naman ako. May budget ako pang-valet (parking). Pero pagpasok ko (sa venue ng party) nagulat ako. Parang ako lang yung bagong mukha para sa kanila.

“Sila, parang matatagal na sa industriya. Nandoon sina Manny Pacquiao. Nagulat ako, talagang nagpa-picture ako sa lahat. Nag-attendance ako sa lahat ng tao na nandoon kaya nagpapasalamat ako.

Baka Bet Mo: Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

“Kasi sobrang, parang first time ko na nag-attend ng birthday na may ganoong eksena. Grabe, parang concert. Ganoon po yung pakiramdam,” ani Herlene.

Sabi pa niya kay Bong, “Hindi pa pala ako nakapagpapasalamat kaya maraming-maraming salamat.”

“Tapos talagang kinilig ako dahil sinabi niya na ‘magkakatrabaho tayo’ kaya tuwang-tuwa po ako noong mag-first taping po ako (sa season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis).

“Ganoon din po kay Miss Beauty (Gonzalez, leading lady ni Bong sa show) noong nagkita kami sa GMA Gala. Sobrang kalog niya ho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Akala ko mababahuan siya sa hininga ko kasi grabe siyang mag-beso. Alam mo yung beso niya? Parang nilanghap niya lahat ng hininga ko nang gabing yon.

“Siyempre, medyo nakainom na ho ako noon. Sabi ko, ‘Hala baka may masabi siya sa hininga ko!” hirit pang chika ni Herlene na ikinahagalpak ng press people at ng mga co-stars niya.

Hindi raw niya ine-expect na mabibigyan siya ng chance na makatrabaho ang mga artistang pinapanood lang niya noon tulad ni Beauty, “Parang nakakakilig kasi yung mga napapanood niyo talaga dati, parang, wow, kasama ko na ngayon. Nagkakaamuyan na kami ng hininga.

“Siyempre, yung ibang mga artista na nakasama ko sa set, talagang sinuportahan po nila ako,” sey ni Herlene.

Samantala, hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng showbiz press na maka-one-on-one si Herlene dahil agad itong umalis pagkatapos ng Q&A.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na tuloy siya nausisa sa ilang kontrobersyang kinasangkutan niya nitong mga nakaraang linggo, kabilang na ang isyu sa kanila ng kanyang leading man sa seryeng “Magandang Dilag” na si Rob Gomez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending