Bong inatake ng nerbiyos dahil kina Beauty at Max, kinarir ang pagpapa-yummy: 'Alam kong magaganda at sexy sila kaya nagpakundisyon din ako' | Bandera

Bong inatake ng nerbiyos dahil kina Beauty at Max, kinarir ang pagpapa-yummy: ‘Alam kong magaganda at sexy sila kaya nagpakundisyon din ako’

Ervin Santiago |May 30,2023
facebook
share this

Bong inatake ng nerbiyos dahil kina Beauty at Max, kinarir ang pagpapa-yummy: ‘Alam kong magaganda at sexy sila kaya nagpakundisyon din ako’

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 08:02 AM

Bong inatake ng nerbiyos dahil kina Beauty at Max, kinarir ang pagpapa-yummy: 'Alam kong magaganda at sexy sila kaya nagpakundisyon din ako'

Max Collins,Bong Revilla at Beauty Gonzalez

INATAKE pala ng nerbiyos si Sen. Bong Revilla noong nagsisimula pa lamang ang taping nila para sa pinakabagong action-comedy series ng GMA 7 na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Yan ang inamin ng actor-public servant sa ginanap na grand mediacon ng naturang programa last Friday, May 26, kung saan nakasama rin niyang humarap sa press ang dalawa niyang leading lady na sina Beauty Gonzalez at Max Collins.

Mapapanood na simula sa June 4, 7:50 p.m. ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kaya naman magkahalong kaba at excitement na ang nararamdaman ni Sen. Bong at ng buong cast at production.

Sa isang bahagi ng mediacon ay naikuwento nga nina Beauty, Max at Sen. Bong kung gaano kasaya ang naging trabaho nila habang ginagawa ang nasabing weekly series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Bong, “I’m very happy at nakasama ko ‘yung dalawang magagaling na aktres natin ngayon.

“In fact, ako ‘yung medyo ninerbyos pa nga at first dahil siyempre alam ko magagaling silang artista, magaganda, sexy, so kailangan I have to look good also.

“Kailangan magpa-condition ako. Talagang nagtrabaho rin ako para mag-reduce ng weight,” chika ng butihing mister ng award-winning actress at public servant din na si Lani Mercado.

Baka Bet Mo: Paolo inatake ng nerbiyos sa ‘Bubble Gang’ revamp; mas maraming pasabog sa bagong version

Puring-puri rin ni Bong ang mga co-stars niya sa bago niyang programa sa GMA, “Happy ako sa performance ng bawat isa, ang gagaling nila, beyond my expectations. Talagang na-surpass nila ‘yung ine-expect ko na pagganap nila sa bawat role.”

Todo-pasalamat naman si Beauty dahil siya ang napili bilang misis ni Bong sa serye, as in dream come true raw ito para sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na katambal niya ang isang movie icon.

“Working with Senator Bong is such a dream. Isa sa bucket list ko one of the Philippine icons, to be working with them and I’m very thankful to GMA for continuously giving me beautiful projects. I’m very happy and thankful,” sabi ni Beauty.

Tungkol naman sa pagsasama nila ni Max sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”, “What can I say about Max? She’s very very nice and very very sexy and she’s such an inspiration. I’m very happy to be working with everybody kasi unconsciously, nagkakasundo kaming lahat sa set.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Chika naman ni Max, “In the beginning, kinabahan talaga ako to work with Senator Bong Revilla and Beauty and everyone else.

“Parang I was dreading taping kasi I felt like baka masyado akong mape-pressure on set because it’s a comedy and I feel like everyone already knows their characters and bigla akong papasok, mangangapa pa ako. But really, everyone was so nice and so gaan katrabaho.

“This is probably the most relaxed I’ve been on a set in a very very long time, and Senator Bong made me feel so welcomed sa show.

“I really felt at home working with him and Beauty is so nice. She’s such a joy to work with. Sobrang bait niya, especially considering everything that you’ve achieved, you are also very humble,” litanya ng Kapuso sexy actress.

Ka-join din sa cast ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co at Dennis Marasigan.

Introducing naman sa programa ang isa pang Sparkle actress na si Angel Leighton with the special participation of ER Ejercito, Bembol Roco and Jeric Raval.

Cherry Pie tinamaan din ng COVID; umaming naging matigas ang ulo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending