Paolo inatake ng nerbiyos sa 'Bubble Gang' revamp; mas maraming pasabog sa bagong version | Bandera

Paolo inatake ng nerbiyos sa ‘Bubble Gang’ revamp; mas maraming pasabog sa bagong version

Ervin Santiago |May 16,2022
facebook
share this

Paolo inatake ng nerbiyos sa ‘Bubble Gang’ revamp; mas maraming pasabog sa bagong version

Ervin Santiago - May 16, 2022 - 12:26 PM

Michael V at Paolo Contis

INATAKE ng matinding nerbiyos ang Kapuso actor na si Paolo Contis nang malaman niyang magkakatsugihan sa kanilang gag show na “Bubble Gang”.

Noong ipaalam sa kanila ng management na magkakaroon ng revamp sa cast members ng programa, naisip niya na baka isa siya sa matatanggal.

Inakala raw talaga ng komedyante na mawawalan na siya ng regular na trabaho sa GMA dahil matagal-tagal na rin siyang naging bahagi ng longest-running gag show sa bansa.

“May kaba ‘yun siyempre. At the end of the day, lahat naman tayo kumbaga, replaceable ika nga,” ang sabi ni Paolo sa ginanap na virtual mediacon ng “Bubble Gang” kamakailan.

Ang huling teleserye ni Paolo sa Kapuso network ay ang serye nila ni Heart Evangelista na “I Left My Heart in Sorsogon” at tanging “Bubble Gang” na lang ang natitira niyang trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Kaya naman natanong si Paolo kung may follow-up project na siya GMA, “Ako naman kasi, priority ko naman talaga, comedy, di ba? Pero siyempre, nu’ng binigay sa akin yung I Left My Heart in Sorsogon, thankful ako.

“Kung meron mang plano na ibigay sa akin na panibago, of course, I will be thankful,” paliwanag ni Paolo.

Sa ngayon, wala pang sinasabi sa kanya ang management kung may gagawin siyang bagong serye, “Ako naman, nagtitiwala sa GMA, whatever their decision is.

“Hindi naman ako yung tipo ng artista na gusto ko ganito, hingi ako ng ganito. Hindi ako nagpa-follow up kung ano ang gagawin.

“So for now, I’m doing Bubble Gang. Paminsan-minsan, nag-All-Out Sundays (weekly variety show) ako.

“After I Left My Heart in Sorsogon, iyon nga, nag-concentrate ako sa pag-endorse ko ng Ako Bicol (partylist) and, thankfully, naging maayos naman siya.

“We’ll see after nito, kung ano ang sunod na plan. Again, ako naman hindi ako nanghihingi. Naghihintay lang ako ng kung para sa kanila, ano ang deserved ko, that’s what I do,” pahayag ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, abangan sa May 27 ang mga bagong paandar at pasabog ng buong tropa ng “Bubble Gang” at alamin kung anu-ano ang mga pagbabagong ginawa nina Michael V sa pambatong comedy show ng GMA 7.

Bitoy: Kilala n’yo naman si Paolo, strong talaga yun…madali siyang maka-recover

Ilang Kapuso stars matindi ang loyalty sa Bubble Gang: Napakaswerte namin, grabe!

Sinu-sino ang mga natsugi sa ‘bagong version’ ng Bubble Gang ngayong 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending