Bitoy iwas na iwas sa tukso: Pinaka-sexy, pinakamaganda pa rin ang misis ko!

Michael V at Carol Bunagan
TATLONG dekada nang nagsasama bilang mag-asawa ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V at asawa niyang producer na si Carol “Ayoi” Bunagan.
At in fairness, never tayong nakarinig o nakabalita na nag-away o nagkaroon ng issue ang mag-asawa sa 30 years na nilang pagsasama bilang married couple.
Sa panayam ng Kapamilya TV host at news anchor na si Bernadette Sembrano, nagbukas ng kanyang damdamin si Bitoy tungkol sa pagsasama at pagmamahalan nila ni Ayoi.
Nagkakilala raw sila ng kanyang misis sa kanilang school noong college, “Magkapareho kami ng school, PLM. Tapos kapag may project sila na mga plays, kailangan nila ng actors, kami ang kinukuha nila. Doon kami nagkakilala.”
Natanong si Bitoy kung paano siya umiiwas sa mga tukso lalo pa’t ilang taon na rin siyang nasa showbiz. Hindi ba totoo para sa kanya na kapag komedyante ay lapitin ng mga babae?
“There’s no other way to do it. Kapag husband ka ‘yun lang talaga ang dapat mong gawin.
View this post on Instagram
“Para sa akin, ang pinaka-sexy pa rin ang misis ko. Pinakamaganda!” ang pahayag ni Bitoy.
Sundot na tanong ni Bernadette, “Bakit ganu’n ang naging direksyon mo?”
Sagot ng “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto” star, “Dati parang ano lang, una siyempre ‘yung loyalty mo sa partner mo, ‘di ba? Tsaka ‘yung vows na binitawan mo. That’s number one.
“At saka ‘yung pagiging Katoliko namin, nagpakasal kami sa church e, parang kakahiya naman,” lahad ng Kapuso comedian at direktor.
Patuloy pa niya, “Madalas na sinasabing reputation ng mga komedyante raw babaero, ganyan! Parang maiba lang, hindi naman kailangan ganu’n talaga.”
Inalala rin ni Bitoy noong kasagsagan ng paggawa niya ng mga comedy films, “There was a time gumagawa ako ng pelikula, nagbibida na ako.
“The writers are attempting to put something like that. Parang, may kissing scene dito, ang partner mo dito is a sexy star.
“Kapag tinanggal mo ‘tong eksena na ito, magmo-move ba ‘yung storya? Parang puwede naman, e,” katwiran pa ni Michael V.
Nang tanungin naman ni Bernadette si Carol na kasama ni Bitoy sa naturang panayam, kung paano niya ilalarawan ang aktor, “As a husband, thoughtful.”
“Ang sabi nga ng mga anak ko, ang love language niya, he showers you with gifts. Pero siguro having come from where we did, pareho kaming humble beginnings naman.
“Laki siyang Tenement, ako laking Tondo e. We grew up with bare necessities ba,” sabi ni Ayoi.
Hirit naman ni Michael V., “Pero we never felt poor.”
Sey pa ni Carol, “Okay lang, so ine-enjoy mo lang. Mas masaya lang when you look back na parang how far we’ve come ‘di ba, from where we started.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.