Bobot Mortiz gustong idirek sina Bitoy, Bossing, Vice at Vhong
MAY limang artistang komedyante na gustong makatrabaho ng veteran actor at director na si Edgar “Bobot” Mortiz sa mga susunod niyang projects.
Pinangalanan ni Direk Bobot ang limang celebrities na nais niyang maka-collab sa iba’t ibang proyekto sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda“.
Sa nasabing episode, natanong ni Tito Boy ang beterang aktor at TV director kung sinu-sino sa mga komedyante ngayon sa local showbiz ang gusto niyang magbida kung gagawa siya ng kanyang dream project.
View this post on Instagram
Mabilis na sagot ni Direk Bobot – sina Michael V, Bossing Vic Sotto, Vice Ganda at Vhong Navarro. Huli niyang binanggit ang pangalan ni Iggy Boy Florez na produkto ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na siya ang nagdirek.
Sa “Fast Talk” segment naman nabanggit din ni Direk Bobot na naniniwala siyang magaling din naman siyang magpatawa at hindi raw siya natatawa sa mga over-acting na comedy.
Samantala, ibinalita rin niyang bukod sa pagdidirek, bumalik din siya sa pagkanta. Sa katunayan kalalabas lang ng kanyang album na “Goin Standard.”
* * *
Kasabay ng summer heat ang mga maiinit na eksena ngayon sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law”.
Ito’y matapos kumalat ang video ni Lilet (Jo Berry) na maaaring ikapahamak niya bilang isang witness sa isang hit-and-run case na kinasasangkutan pala ng kanyang co-attorney.
Baka Bet Mo: Jo Berry feel na feel ang sobrang pressure bilang lawyer sa Lilet Matias
Sa recent episode ng serye, matatandaang buong tapang na tumestigo si Lilet laban sa girlfriend ni Boni (Jason Abalos) na si Atty. Aera (Analyn Barro) na nakita niyang nakasagasa sa isang vendor sa kalsada.
View this post on Instagram
Lalong pinag-initan si Lilet nang kumalat ang kanyang video na lasing habang umaamin siya sa kanyang tunay na nararamdaman para kay Boni.
Dahil dito, inaakusahan siya ng paninira kay Atty. Aera sa ngalan ng kanyang pagkagusto kay Boni.
Ano na kaya ang kalalabasan ng kaso matapos ang kontrobersyal na video ni Lilet? Tutukan ang mas maiinit pang eksena sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” weekdays, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.