Vice Ganda buking na buking ang SB19: Gusto ko talaga maging friend n’yo!
LAUGH kami nang laugh habang pinanonood ang latest vlog ni Vice Ganda kung saan nakipagkulitan at nakipagbardagulan siya sa super P-pop group na SB19.
Todo pasalamat ang Phenomenal Box-office Star dahil sa wakas ay natuloy na rin ang matagal na niyang pangarap na makasama ang mga miyembro ng SB19 sa isang nakakaloka at napakasayang bonding.
Personal na binisita ng TV host-comedian ang studio ng grupo with matching tinapay pa bilang pasalubong kina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin.
Simula pa lang ay naglaglagan at nag-okrayan na ang grupo lalo na nang sumabak sila sa TikTok trend na “Suspect, Suspect.”
Baka Bet Mo: Luis ‘nasarapan’ sa halikan nila John Lloyd sa ‘In My Life’, Bea naloka
Panunukso ni Justin kay Stell, “Suspect, suspect dati mukhang suspect.” Na sinagot naman ni Stell ng, “Dati ba hindi kayo mukhang suspect? Nagkapera lang ako. At least ako mukha lang pero kayo amoy suspect.”
View this post on Instagram
Tawa naman nang tawa si Vice sa batuhan ng punchline ng SB19, “Thank you, guys, for sharing. Nakakatuwa! Pinaka-na-happy ako kasi this is the first time na nakita ko kayo na ganyan. Kapag nakita ko kayo kasi performers kayo tapos tahimik lang kayo, ang saya na ang normal.
“Thank you very much for being generous to me, very authentic. Gusto ko talaga maging friend niyo. Gusto ko kayo makuwentuhan din,” dugtong ni Vice.
Inalala rin ng komedyante ang unang interview niya sa grupo sa dati niyang programa na “Gandang Gabi Vice” (GGV), “I remember the first time I met you guys in GGV, that was the starting days niyo pa lang iyon.
“Gumawa pa kayo ng song for me. Ang saya-saya n’yo na nandoon kayo sa GGV. Yung treatment niyo sa akin super na-appreciate ko,” lahad pa ng Unkabogable Star.
Nag-thank you din siya sa pagpayag ng SB19 na samahan siya sa “Magpasikat” performance nila nina Karylle at Ryan Bang last October, “Salamat sa pagsama sa akin sa Magpasikat. Ang laking bagay noong ginawa niyo not just for my group but for the audience.
“Proud talaga ako doon, proud ako sa ginawa natin. Ayon yung kahit kailan nila mapanood hindi nila mapanood,” mensahe pa ni Vice.
Aniya pa, “Salamat pinayagan n’yo (rin) gamitin yung ‘Mapa’ sa And The Breadwinner Is. Pinakulay niyo at binigyan niyo ng mas magandang kuwento yung kuwento namin dahil sa kanta niyo.”
Samantala, isa-isang naglabas ng saloobin ang mga miyembro ng SB19 tungkol sa tema ng MMFF 2024 entry ni Vice, partikular na ang pagiging breadwinner ng pamilya.
Sabi ni Ken, “I just want my family to have a life na hindi namin natatamasa noon. Masarap makatulong and sobrang nakakaproud sa sarili.
“Yung satisfaction na nabibigay sa’yo na makapagprovide ka sa parents mo which is sila yung nagprovide sa’yo dati, hindi naman parang may utang na loob ka,” dugtong pa ni Ken.
Para naman kay Josh, “Ever since noong naging successful kami, parang ako na rin po yung umako sa kanila.”
Ani Stell, “Growing up po kasi, nakita ko yung hirap ng parents ko para maitaguyod kaming magkakapatid so ginawa ko po lahat para makapagprovide until mabigyan ako ng chance itong SB19 kasi sabi ko kapag nabigyan ako ng chance maging artist, talagang doon ko po gagawin yung best ko.
View this post on Instagram
“Very thankful na may ganitong blessings na dumadating sa amin at nakakpagprovide kami sa family,” saad pa ng “The Voice Kids” coach.
Sabi ni Pablo, hindi naman daw niya masasabing isa siyang breadwinner dahil tulung-tulong naman daw sila sa pamilya.
“Yung Kuya ko, sobrang dami naitulong sa aking pagdating sa art. Yung kapatid ko po si Josue, katulong ko po siya sa paggawa ng music.
“Masasabi ko na hindi ko po maangkin yung breadwinner but siguro kaming magkakapatid share kami doon sa bread to help the family,” aniya pa.
Hindi rin daw breadwinner si Justin, pero super happy and proud din ang kanyang pamilya sa tagumpay ng SB19, “Ngayon na-feel ko na difference na masaya kami sa pamilya compared before na stagnant lang yung life namin sa pamilya.”
Sa bandang huli ng video, muling ibinandera ni Vice ang kanyang pagiging proud sa success ng SB19.
“As a Filipino, thank you very much for the pride. Keep on winning for you, for your group and for all of us. We are very proud of you. We are very happy for you. We are all rooting for you and I am personally going to support you always,” mensahe ni Vice Ganda sa SB19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.