Luis 'nasarapan' sa halikan nila John Lloyd sa 'In My Life',

Luis ‘nasarapan’ sa halikan nila John Lloyd sa ‘In My Life’, Bea naloka

Ervin Santiago |January 23,2024
facebook
share this

Luis ‘nasarapan’ sa halikan nila John Lloyd sa ‘In My Life’, Bea naloka

Ervin Santiago - January 23, 2024 - 04:52 PM

Luis 'nasarapan' sa halikan nila John Lloyd sa 'In My Life', Bea naloka

Luis Manzano at John Lloyd Cruz

LAUGH nang laugh si Bea Alonzo sa mga paandar ni Luis Manzano nang makachikahan niya ito para sa kanyang YouTube channel.

Sumabak ang TV host-comedian sa lie detector test na inihanda ni Bea para sa latest vlog niya na in-upload last Sunday, January 21.

Isa sa mga napag-usapan ng magkaibigan ay ang pagiging dramatic actor ni Luis sa pelikulang “In My Life” na ipinalabas sa mga sinehan noong 2009.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dito nakasama niya ang Box-Office King at award-winning actor na si John Lloyd Cruz at ang kanyang nanay, ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Baka Bet Mo: Sharon kay Luis: ‘Nangingilabot ako sa kapal ng mukha mo…bastos ka!’

“That was a very challenging movie. ‘Yong ‘In My Life’. Kasama ko mommy ko, John Lloyd Cruz. I swear, ang sakit ng likod ko kada shooting,” pagbabahagi ni Luis.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Bea.

“Kargo ko silang dalawa,” biro ni Luis pero seryoso ang mukha kaya naman natawa uli nang bonggang-bongga si Bea.

“Pero grabe kinarir mo nga raw sabi ni John Lloyd. Kinukuwento niya sa akin,” ang reaksyon uli ng Kapuso actress tungkol sa kissing scene nina Luis at John Lloyd.

“Nag-kiss kami. Brooklyn Bridge. Ang sarap mag-rehearse,” rebelasyon ng husband ni Jessy Mendiola.

Sumunod na tanong ni Bea sa lie detector challenge, sino raw ang mas may chemistry kapag itinambal kay John Lloyd – siya ba o si Luis?

“Kami,” ang walang kagatul-gatol na sagot ni Luis na ikinahagalpak uli ng aktres.

Pero “lie” ang lumabas na resulta sa lie detector.

Dagdag chika pa ni Luis tungkol sa pagiging phenomenal ng tambalan nina Lloydie at Bea, “Bata pa lang tayo, iba na ‘yong nagagawa n’yo ni Lloydie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Because of your God-given talent as individuals and chemistry. Wala pa akong nakikitang kagaya n’yo,” lahad pa ni Luis.

Baka Bet Mo: Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

Napanood namin ang “In My Life” at in fairness, talagang lumaban din naman si Luis sa galing nina John Lloyd at Ate Vi. Hindi rin siya nagpalamon sa aktingan lalo na sa mga eksena nila ni Lloydie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umikot ang kuwento ng “In My Life” sa mga karakter nina Luis at JLC bilang lovers habang pina-process naman ng karakter ni Ate Vi bilang nanay ang pagiging bading ng anak at ang relasyon nito sa kapwa lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending