Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako | Bandera

Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

Therese Arceo - June 08, 2022 - 03:04 PM

Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nawawala ang intriga sa TV host-actor na si Luis “Lucky” Manzano ukol sa kanyang kasarian.

Sa naging panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito, napag-usapan nila ang paksa ukol sa mga bashers na walang ibang ginawa kung hindi punahin siya.

Pagkukwento ni Luis, akala raw ng mga tao na kapag sinasagot niya ang mga comments sa social media ay napipikon na siya sa mga ito.

Sa tagal na rin niya sa industriya lalo na’t nasa showbiz rin ang kanyang mga magulang na sina Vilma Santos at Edu Manzano, sanay na sanay na raw siya sa mga bashers.

“Bata pa lang ako, naba-bash na ako. Bata pa lang ako, kung anu-ano na ang sinasabi… Bata pa lang ako kapag dumadalaw ako sa show ng mommy ko (Vilma) dati, ito ang ginagamit nila pang-bash.

“Hindi ko sinasabi na negative ‘yung connotation, sinasabi sa akin na ‘Ay, bakla yan’, ganyan. Yun ang pang-asar syempre sa industriya marami from the LGBT community… Bata pa lang ako may ganun na,” mahabang kwento ni Luis.

Ang hindi lang daw maintindihan ni Luis ay kung bakit inilalagay ng mga tao sa negatibong konteksto ang pagiging parte ng LGBT community.

“So ako, sa akin, kahit anong mga hirit yan, natatawa na lang ako,” pagpapatuloy ni Luis.

Dagdag pa niya, hindi raw ba sanay ang mga netizens na sumasagot ang mga artista sa tuwing binabanatan nila ang mga ito sa social media?

“E ako yung artistang hindi nagbabait-baitan. Kung ano ako sa likod ng kamera, ganoon ako. So pag sumasagot ako, dahil natatawa lang ako… So kapag sumasagot ako, dahil gusto kong makipag-asaran sa ‘yo. Nagkakatapn kapag naggaganun ako, minsan sila yung namba-block sa akin,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Ang hiling niya lang ay ang huwag umabot na madamay ang kanyang pamilya.

Bukod rito, hindi rin daw basta basta sumasagot si Luis at tinitignan muna niya kung totoong “tao” ang kausap at hindi troll.

Sey pa niya, wala naman daw problema sa mga nakakasagutan niya sa social media at ready siyang makipagkulitan. Kahit nga kumain pa sa labas pagkatapos o mag-inuman basta huwag idamay ang kanyang mga mahal sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Luis hindi pipiliting magbuntis si Jessy kung ayaw: Sobrang nirerespeto ko ang mga babae

Jessy aminadong na-insecure kay Luis: Siya ang naging mundo ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending