Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n'yo na niyuyurakan ang pagkatao ko Bandera

Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Ervin Santiago |May 02,2021
share this

Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Ervin Santiago May 02, 2021 - 10:38 AM

MULING humarap ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa madlang pipol para sagutin ang ilang controversial na comments ng mga bashers.

Sa bagong vlog nila sa YouTube, ibinahagi nina Jessy at Luis ang mga naging kaganapan sa simpleng 40th birthday celebration ng TV host-comedian sa kanilang bahay.

Sinorpresa ni Jessy ang kanyang asawa ng isang mukbang party at habang kumakain nga sila ay nireplayan nila ang mga mean comments at hate messages ng mga bashers.

“This is a 40th birthday celebration with a twist. It’s mukbang slash birthday celebration slash reading your mean comments. O, di ba? What a way to celebrate Howhow’s birthday!” simulang pahayag ni Jessy.

“Dapat araw ko ngayon. Dapat masaya lang. Dapat enjoy lang. Pero ‘tong araw na ‘to, babasahin ko ‘yung comments niyo o ‘yung tweets niyo na niyuyurakan ‘yung pagkatao ko,” hirit naman ni Luis.

Ang dalawa sa mga nakakalokang komento na palaging ibinabato sa kanila ay ang pagiging ahas at mang-aagaw daw ni Jessy at ang sexual preference ni Luis.

Hanggang ngayon ay inaakusahan pa rin ang aktres na siyang sumira sa relasyon noon nina Luis at Angel Locsin. Isa rin daw siyang “gold digger” kaya pinakasalan niya ang TV host.

“I’ve been setting this record straight over and over again as in, like I’ve been telling everyone about this.

“I will clear it again now but I will not speak about this again ever. Wala akong inaagaw. Mas nakakatulog ako sa gabi na alam ko ‘yung totoo.

“And ‘yung hashtag na gold digger mo, I would like to think na magaling din ako sa sarili kong pera.

“That’s the reason I still work in my own little way nakakapag-ipon ako. So hindi rin ako talaga umaasa kay Luis when it comes to money,” ang depensa ni Jessy.

Samantala, sanay na raw si Luis sa mga tsismis tungkol sa kanyang pagkalalaki. Nagsisimula pa lang kasi siya sa showbiz ay may mga kumukuwestiyon na sa kanyang gender.

“Luma na ‘yan, ‘yung gay issue. Dati ko pa naririnig ‘yan ‘yung gay issue,” ang sabi ni Luis.

Sinagot din nila ang mga comment ng bashers na, “I don’t know pero I have a feeling na parang pang-showbiz lang ‘yung kasal.”

“Nagtataka lang ako sa video ng wedding nila, mas maraming shot kay Luis,” sabi naman ng isa pa kasabay ng pang-ookray sa pag-iyak ni Luis sa kasal nila ni Jessy.

“Pangit talaga akong umiyak. Ako yung tumutupi yung mukha ko, parang lahat sinisipsip ng mukha ko. Pangit ako umiyak pero happily ‘yun,” paliwanag ng TV host.

Sa bandang huli ng vlog nagpasalamat naman si Luis sa pa-birthday surprise sa kanya ng asawa, “Thank you for this How How na sinorpresa mo ko. Akala ko magre-relax lang tayo dahil may lakad kami pero pagkapasok ko may ganto pala.”

Ang tanging wish daw niya para sa kanyang kaarawan ay matapos na ang pandemya at maging normal na uli ang lahat.

“Ako naman Howhow ang wish ko naman for you, good health lang talaga,” sabi naman ni Jessy.

Ginulat ng celebrity couple ang publiko nang ibandera nila sa buong mundo na nagpakasal na sila noong Feb. 21 Sa The Farm at San Benito sa Lipaz, Batangas officiated by Lipa City Mayor Eric Africa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending