Ogie sa chikang hiwalay na si Kaladkaren sa mister: Hindi totoo!

Ogie Diaz sa chikang hiwalay na si Kaladkaren sa mister: Hindi totoo!

Reggee Bonoan - March 01, 2025 - 10:00 AM

Ogie Diaz sa chikang hiwalay na si Kaladkaren sa mister: Hindi totoo!

Ogie Diaz; Kaladkaren and Luke Wrightson

HINDI totoong hiwalay na sina Jervi Wrightson na mas kilala bilang si Kaladkaren at asawang Briton na si Luke Wrightson.

Klinaro ito ng common friend nina Kaladkaren o Jervi at ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz na hindi hiwalay na ibinahagi naman ng huli sa “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi at Tita Jegs na in-upload kamakailan lang sa YouTube.

Maraming netizens ang nagtatanong o nag-assume na hiwalay na sina Kaladkaren at Luke dahil nawala ang ilang mga larawan nila sa Instagram ng una.

At mas lalong tumibay ang paniniwala nang mapanood ang on the spot question ni Julius Babao kay Kaladkaren bilang isa sa host ng “Frontline Pilipinas” news program ng TV5 nitong Huwebes, February 27, dahil hindi nakasagot kaagad ang huli at tinakpan pa nito ang mukha niya dahil nagulat.

Baka Bet Mo: KaladKaren na-shookt nang tanungin ni Julius Babao tungkol sa asawa

Base sa kwento ni Ogie nu’ng tanungin niya si Jervi o Kaladkaren, “Ito na nga Loi nag-effort tayong kunin ang panig ni Kaladkaren sa isyung ito habang hinihintay ko ang kanyang sagot ay tinanong din namin sa common friend namin kung ano ba talaga ang real score kina Jervi at Luke.

“Ayon dito (common friend) ay hindi totoong hiwalay ang dalawa (Jervi at Luke), hindi naman perfect ang relasyon ng dalawa tulad ng relasyon ng iba pero sila pa rin!

“Si Luke ay nagta-trabaho sa barko at actually ngayong February 28 ng gabi ang dating ni Luke at magkasama na ulit sina Jervi at si Luke.

“Yung na on-the-spot ni Julius Babao si Jervi kagabi (Huwebes) sa Frontline ay na-shock si Jervi kaya hindi ito kaagad nakasagot, pero sila pa rin.”

Ipinaliwanag din ng common friend nina Ogie at Kaladkaren kung bakit nawala ang ilang wedding photos ng dalawa ay sinadya ito ng huli.

“Io-organize lang daw ni Jervi ang mga photos nila (ni Luke) bilang naka-1million followers na ang naturang showbiz newscaster sa Instagram ayun naman pala,” sambit ni Ogie.

At ipinakita ang mensahe ni Jervi o Kaladkaren kay Ogie na may oras na 12:33 p.m. na inilabas sa vlog na nagsasabing, “Mommyyyy sorry ang dami kasing nagme-message. Okay po kami!  Ha, ha, ha wala po talagang issue, ma (heart and praying hands emojis).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That’s the end of the story,” sey ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending