KaladKaren haba ng hair, sinundan ng asawa sa Los Angeles

KaladKaren haba ng hair, sinundan ng asawa sa Los Angeles

Therese Arceo - March 08, 2025 - 04:46 PM

KaladKaren haba ng hair, sinundan ng asawa sa Los Angeles

IBINANDERA ng “Frontline Pilipinas” showbiz presenter na si KaladKaren o si Jervi Wrightson ang sweet photos nila together ng British husband na si Luke Wrightson.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan nila ng asawa habang sila ay nasa Los Angeles, California, USA.

“Look who followed me in Los Angeles,” mababasa sa caption ni KaladKaren.

Proud pa ngang ibinida ng TV host ang kanyang suot suot na wedding ring tanda na hanggang ngayon ay nananatili silang mag-asawa.

Baka Bet Mo: Kaladkaren sa relationship status nila ni Luke Wrightson: We’re still together!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang kamakailan lang nang mag-trending si KaladKaren matapos magkaroon ng bulung-bulungan na hiwalay na raw sila ng asawang Briton.

Ito ay dahil sa kanyang naging TikTok video kung saan ni-lipsync niya ang kanta ni Ariana Grande na “We Can’t Be Friends” at ang umano’y pagkawala ng wedding pictures nila sa kanyang Instagram feed.

Pero nilinaw naman ni KaladKaren na walang katotohanan ang chikang hiwalay na sila ng mister.

“Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson. Lilinawin ko lang po yung issue tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad.

“But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa’t isa. So, kami pa rin po. We’re still together. Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa,” giit pa niya. Katunayan nga, umuwi siya ng Pilipinas,” paliwanag noon ni KaladKaren.

Ipinaliwanag naman niya kung tungkol saan ang TikTok video niya, sa saliw ng kanta ni Ariana Grande.

“Yung Tiniktok po ko na song ni Ariana Grande na ‘We Can’t Be Friends,’ feel ko lang siya i-TikTok noong araw na yon. Pagdating naman sa pang-iintriga sa umano’y deleted wedding photo nila sa Instagram, “Yung picture ko naman sa Instagram, inaayos po kasi ng management yung feed ko for work. So, nagtanggal sila ng ibang pictures pero ibabalik din nila ‘yon,” sey ni KaladKaren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabihan rin niya ang madlang pipol na maging maingat at huwag basta basta magpapadala sa fake news.

Lahad ni KaladKaren, “Napagtagpi-tagpi lang ng netizens yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos. Ini-slice yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue.”

“I think the moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume. ‘Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and let’s mind our own business.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending