KaladKaren na-shookt sa tanong ni Julius Babao tungkol sa asawa

KaladKaren na-shookt nang tanungin ni Julius Babao tungkol sa asawa

Therese Arceo - March 01, 2025 - 09:10 AM

KaladKaren na-shookt nang tanungin ni Julius Babao tungkol sa asawa

TILA hindi prepared ang kilalang TV host na si KaladKaren o si Jervi Wrightson sa totoong buhay matapos siyang tanungin ng kasamahang si Julius Babao tungkol sa kanyang asawang si Luke Wrightson.

Matatandaang may kumakalat na balita ngayon na tila “on the rocks” na raw ang pagsasama ng dalawa matapos ang naging TikTok video na inilabas ng kilalang personalidad kamakailan.

Habang naka-ere kasi ang kanilang programang “Frontline Pilipinas” ay bigla na lang natanong ni Julius si KaladKaren kung totoong hiwalat na ito sa asawang Briton.

Sa halip na sumagot ay natawa na lang siya at napatakip ng kamay sa kanyang mukha.

Baka Bet Mo: KaladKaren, British husband nagkahiwalay na nga ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dahil nga sa pananahimik ni KaladKaren ay binalingan na lang ni Julius ang isa pa nilang kasamahang news presenter na si Denise Tan.

“Denise, baka gusto mong mag-comment do’n,” sabi ni Julius.

“Hintayin na lang natin pag-ano, ready na siyang [KaladKaren] sumagot,” sagot naman ni Denise.

Dahil nga rito ay agad nag-viral ang ginawang pang-uusisa ni Julius sa kasamahan.

Tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang pangko-corner umano ng broadcaster kay KaladKaren lalo na at sensitibo ang topic na ito.

“Tama yung sinasabing ‘co-workers are not your friends’ and ‘you don’t go to work to make friends'” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “News5 you even posted this? Someone is having hard and difficult time, yet you did not make any actions to correct nor properly address the behavior of your anchor who asked inappropriate and unethical question on national television. Jervi is obviously uncomfortable with the question.”

“I find it unpro. Sa live tv talaga inambush interview?” sey naman ng isa.

Samantala, nilinaw naman ni KaladKaren na walang katotohanan ang isyung hiwalay na sila ni Luke.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending