Darryl Yap binoldyak si Sarsi Emmanuelle: Bakit, close ba kayo ni Pepsi?
HINDI pinalampas ni Darryl Yap ang umano’y pakikisawsaw ng mga dating sexy star na nakakasama ni Pepsi Paloma noong dekada 80.
Kabilang na nga rito ang mga kapwa niya “Softdrinks Beauties” na sina Sarsi Emmanuelle at Coca Nicolas na bumida noon sa mga Pinoy bold movies.
Ni-repost ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account ang tanong ni Sarsi nang lumabas ang controversial teaser ng pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma” sa social media.
Ang mababasa sa naturang post, “At sino ang nag relay ng story sa director? Di ba patay na yung tao? Siya lang ang may alam ng totoo. Saan nila kinuha yung story?”
Baka Bet Mo: Jalosjos, kalaban ni Vico walang konek sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap
Ang matapang na sagot sa kanya ni Direk Darryl, “Napakaconvenient kasi dito kay Sarsi Emmanuelle na patay na ang pinag-uusapan.
“Kegimik yun o totoo? May nagawa ka ba? Bakit? Close ba kayo ni Pepsi?
“Nu’ng namatay siya saka kayo sumikat! WAG MO KO PALALABASING SINUNGALING.
View this post on Instagram
“Hintayin mo ang pelikula,” ang sabi pa ng direktor sa dating sexy star.
Sa isa pang hiwalay na FB post ng controversial filmmaker, nagbigay naman siya ng mensahe sa mga taong nakasama ni Pepsi Paloma noong nabubuhay pa ito.
“Sa mga nakasama ni Pepsi Paloma noon, na binabash ako at takot na takot ngayon. Huwag kayo mag-alaala di ko sinama ang pagdadrugs nyo noon. Kalma Tayo,” pahayag ni Direk Darryl.
At sa mga nagbabanggit naman ng pangalan ng isa pang dating sexy star na ka-batch ni Pepsi, ito lang ang nasabi ni Darryl Yap, “TIGILAN NYO YANG KAKACOCA NICOLAS NYO.
HINDI SILA CLOSE NI PEPSI.”
Narito ang ilang nabasa naming comments sa FB post ni Direk Darryl.
“Yung dami ng kumukuda Di pa napapanood ung buong penikula.”
“Wala pa sa atin nakapanood para sabihin kasinungaling yung movie. Parang MIM yan, may accusation na plan daw baguhin ang history. When movie was released tahimik lang ang haters. Kwento kase sya sa loob ng malacañang during people power. Wala sa atin ang nandun pa ra sabihin na hindi totoo ang mga yun. It’s not a different version of story but the untold story. Pwede ganun din etong TROPP. Sample yung teaser scene na sigawan ni charito solis at pepsi paloma. Wala sa atin ang makakapagsabi na di nangyari.”
“Yung naging direktor ka na, pero isip bata ka pa rin. May point din naman doon sa tanong. Kung sinagot mo ng maayos, mas magiging credible pa sana yung gawa mo. Marami rin kasing ang tanging basehan lang ng paniniwala nila about sa rape case na yan ay yung kanta ng Eheads. Anong klaseng katangahan yon?”
“Naka live c madam Sarsi ngayon na kumakain ng AMPALAYA.. apaka bitter. dapat kay madam sarsi pag inggit pikit.”
“Make sure direk WALANG HAHARANG NG MGA SINEHAN..baka pag may kasabay kang malakas sa mga malls…swapangin mga sinehan??? sabotage baga??? Bantayan mo direk. Magmatyag. Magmasid. POINT OF SALE SABOTAGE ang dirty tactics para (kunwari) laging blockbuster???”
“Wala namang problema sa movie kaya lang kahit ano pang Sabihin natin maaapektuhan Ang pamilya nila Lalo na si Vic Sotto, may mga anak Yun na bata pa, pano kung mapanood ung trailer, na na drop yung name ni Vic Sotto, syempre tatay Nia Yun pag tumatak Yun sa isipan Ng bata or kung marinig o mabasa sa socmed di a may epekto sa isipan Nia.”
Nagpadala kami ng mensahe kay Sarsi sa pamamagitan ng direct message para hingin ang kanyang side sa naging pahayag ni Darryl Yap ngunit wala pa kaming natatanggap na sagot. Bukas ang BANDERA sa kanyang magiging pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.