Darryl Yap rumesbak kay Igan: Sino ka para pangunahan ang MTRCB?

Darryl Yap rumesbak kay Arnold Clavio: Sino ka para pangunahan ang MTRCB?

Ervin Santiago - January 04, 2025 - 01:05 PM

Darryl Yap rumesbak kay Arnold Clavio: Sino ka para pangunahan ang MTRCB?

Darryl Yap at Arnold Clavio

NAGLABAS ng open letter ang kontrobersyal na filmmaker na si Darryl Yap kontra sa naging pahayag ni Arnold Clavio about his movie “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Hindi pa man ipinalalabas ang biopic ng yumaong sexy star na sumikat noong dekada 80, ay matinding debate at diskusyon na ang nangyayari sa social media.

Sinagot ni Direk Darryl ang mga naging punto ni Igan sa pagsasapelikula ng buhay ni Pepsi Paloma na sumesentro nga sa umano’y panggagahasa sa aktres ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Ipinost ng blockbuster director sa kanyang Facebook page ang artikulo ng BANDERA na may titulong “Igan sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap: Malabong payagan ng MTRCB.”

Baka Bet Mo: Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’

“Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya.

“Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation. Sino ang source of information ng eksenang napanood? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Huwag nating kalimutan na ang Chairman at CEO ngayon ng MTRCB ay walang iba kundi si Lala Sotto-Antonio, anak ni Titosen (Tito Sotto) at pamangkin ni Vic (Sotto).

“Tandaan, sa mundong ginagalawan natin hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente. May mga norms at ethics na dapat sundan,” ang bahagi ng pahayag ni Igan.

Narito naman ang ibinahaging open letter ni Direk Darryl para kay Arnold Clavio.

“Hello sa’yo. Musta ka na? Maraming Salamat sa pagbabahagi ng opinyon mo patungkol sa aking pelikulang #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PEPSIPALOMA.

“Ibig sabihin, naglaan ka ng oras at kaisipan para ihayag sa publiko ang kung anumang sa palagay mo ay tama.

“Ngayon, opinyon ko naman tungkol sa sinabi mo: SINO KA, PARA PANGUNAHAN ANG PAMUNUAN NG MTRCB NA HARANGIN ANG PELIKULANG HINDI PA NARARATING ANG KANILANG TANGGAPAN.

“Hindi lang pambabastos sa pinaghirapan namin—kundi maging kay MTRCB Chair Lala Sotto ang pinagsasasabi mo—SINO KA, PARA MAGDESISYON PARA SA KANYA.

“Pinagmumukha mo siyang may gustong pagtakpan at natatakot— Hindi ganon si Chair Lala, pinakita na niya ang kanyang pagiging patas sa maraming sitwasyon.

“Wala ring saysay kung pagbabatayan ang pamagat—kung pipila ka sa Takilya, Hindi mo naman kailangang banggitin ang THE RAPISTS OF, sigurado akong halos lahat PEPSI PALOMA lang ang sasabihin— kaya maaaring yun lang ang ilagay sa posters sa mga Piling sinehan.

“Noong nanood ka ba ng NARNIA, ay
‘TICKETS PO…DALAWA…PARA SA THE CHRONICLES OF NARNIA THE LION THE WITCH AND THE WARDROBE.’

“Alam mo Igan, malinaw naman na di natin feel ang isa’t-isa, pero wag ka naman manabotahe…Hindi ko naman gagawin yung ‘ANG PAGLABAG KAY BALABAGAN,’ ang pahayag ni Direk Darryl na ang tinutukoy ay ang naging isyu noon sa news anchor at sa OFW na si Sarah Balabagan.

Patuloy pa ni Direk, “Wag mo kong malecture-lecturan sa moralidad at tama o mali ha—yung ibinibintang sa akin— puro imbento. puro bunganga.”

“HAPPY NEW YEAR SA INYO NI ARN ARN.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Igan sa open letter sa kanya ni Direk Darryl Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending