Darryl Yap umaming maka-Duterte, pero love na love si Imee Marcos

PHOTO: Facebook/Darryl Yap
UMANI ng libo-libong reaksyon ang recent comment ng controversial filmmaker na si Darryl Yap.
Ito ay matapos siyang tanungin ng isang netizen sa isang post niya kung sino ba talaga ang kanyang pinapanigan.
“Direk san ba talaga ang puso mo, sa mga Marcos o Duterte? O 50/50?” usisa ng Facebook user.
Ang sagot diyan ng direktor, “Duterte ako. Si Imee lang love ko sa Marcos.”

PHOTO: Screengrab from Facebook/Darryl Yap
Dahil diyan, tila kinuyog siya sa social media at mababasa ang iba’t-ibang opinyon –may mga nagpahayag ng suporta kay Darryl, habang meron din ang hindi sang-ayon.
Baka Bet Mo: Vic Sotto pinalagan si Darryl Yap dahil ‘binu-bully’ na sa eskwelahan si Tali
Magugunita nitong buwan lang din nang aminin ni Darryl na taong 2016 pa niya sinusuportahan ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod niyan ay ikinuwento na niya kung paano siya naging close kay Senador Imee Marcos at Vice President Sara Duterte.
“Nagcommute lang kami ng grupo ko para madala ang 82ft flag namin sa luneta para kay Digong…dahil sa pagsuporta ko ay naging Kaibigan ko si Imee at naging Kaibigan ko rin si Inday,” chika niya.
Dagdag niya, “‘Yung mga galit kay Bongbong at ipinapasa kay Imee—hindi ko kayo pinipigilan, wala akong kapangyarihan para bastusin si Imee at ikwento sa inyo lahat ng pinagdadaanan niya. kung alam niyo lang.
“Sa mga kaibigan kong galit kay Inday at Digong na sinasabihan akong talikuran na ni Imee ang mga Duterte— PAANO KO GAGAWIN YUN EH MAKADUTERTE AKO MULA SPLIT-ENDS HANGGANG FRENCH TIP.”
Wika pa niya, “Kahit kailan hindi ako gumitna— hindi apelyido ang sinusuportahan. Kinakaibigan at pinaglalaban ko, PRINSIPYO.”
“Again, magalit na kayo sa akin pero hindi nyo ako mapatatalikod sa dalawang babaeng humaharap ngayon sa pinakamatindi nilang laban,” aniya pa.
Nitong Enero lamang, si Darryl ay naharap sa kasong cyber libel na isinampa ng batikang aktor at TV host na si Vic Sotto.
Ito ay dahil sa pagdawit sa pangalan ng batikang aktor sa movie teaser bilang “rapist” umano ng yumaong sikat na starlet noong 1980s na si Pepsi Paloma.
Ang kaso ng controversial director ay aabot ng kabuuang P35 million –P20 million bilang moral damages at karagdagang P15 million bilang exemplary damages.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.