Chie Filomeno biglang binato habang nasa stage, inurot na magdemanda
SHOOKT ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno nang bigla siyang batuhin ng isang pen habang nasa stage ng dinaluhan niyang event.
Base sa napanood naming video at mga naglabasang litrato sa social media, ini-interview si Chie mga host nang batuhin siya ng hindi pa nakikilalang tao gamit ang isang pen.
Tumama ang puting pen sa binti ni Chie na talagang ikinagulat ng aktres pati na rin ng dalawang host na nag-iinterbyu sa kanya sa gitna ng stage.
Ngunit sa kabila ng nangyari, itinuloy pa rin ang panayam ng mga host sa dalaga na parang walang nangyari.
Hindi naman ipinakita sa naturang video kung sino ang taong bumato kay Chie at kung nahuli ba ito ng mga organizers ng event. Wala ring nabanggit kung may ginawang hakbang ang kampo ni Chie hinggil sa nangyaring pambabato.
Baka Bet Mo: Jinkee mas piniling patawarin ang mga kaaway: Be free from prison of bitterness!
Maraming netizens naman ang nagsabi kay Chie na sampahan ng kaso ang nambato sa kanya dahil hindi ito biro-biro lang na dapat palampasin.
View this post on Instagram
Maituturing na raw kasi itong banta sa buhay ng dalaga. Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.
“Bastos ng taong yun sobra, di nya ko fan pero nagtttrabaho lang sya.”
“kahit ayaw mo sa isang tao hindi mo kailangan manakit.”
“Ang sakit namn nyan. Nagta trabaho ka lang ganyan kung bastusin. Sana maaresto.”
“Sa mga atty dito, pwede ba magsampa ng kaso si Chie dito? Assault?”
“Parang ilang beses na syang naganyan. Kawawa naman si chie.”
“Lawsuit should be filed. Ito yung point ni Lea Salonga, hindi lahat ng fan is a fan with good intentions. Remeber Selena and yung isa pang singer killed by a so called fan daw. Kawawa naman si Chie. Traumatizing yang ganyan na may galit sayo yung taong di mo personal na kilala. She has to be extra careful.
“It’s okay to disagree but never let your hate overcome your humanity.”
Habang isinisulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang kampo ni Chie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.