Dawn Chang unbothered, wapakels sa pasabog ni Chie Filomeno

Dawn Chang unbothered, wapakels sa pasabog ni Chie Filomeno

Therese Arceo - January 25, 2025 - 07:16 PM

Dawn Chang unbothered, wapakels sa pasabog ni Chie Filomeno

WAPAKELS ang dancer-actress at businesswoman na si Dawn Chang sa naging sagot sa kanya ng Kapamilya star na si Chie Filomeno.

Sa ngayon ay abangers ang mga netizens kung ano ang susunod na kabanata sa bardaguan ng dalawa matapos pumalag si Chie sa pa-blind item ng dating leader ng grupong GirlTrends.

Matatandaang parehas na miyembro ng GirlTrends sina Chie at Dawn na ni-launch at naging bahagi ng noontime program na “It’s Showtime”.

Ngunit eventually ay na-disband na rin ang grupo at nagkaroon na sila ng kanya-kanyang mga ganap sa entertainment industry.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno pumalag sa patutsada ni Dawn Chang: ‘Your mouth is full of lies!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagsimula ang bardagulan ng dalawa sa naging interview ni Dawn sa online show na “The Men’s Room” kung saan natanong siya tungkol sa nakaaway na artista.

Sinagot niya ito na may isa pero noong mga panahon na raw na ‘yon ay ipinagtanggol lang niya ang kanyang sarili.

Sinabi pa nga nito na parehas ng initials ni Cristy Fermin ang tinutukoy niyang artista.

Matatandaang nagkaroon rin noon ng hindi pagkakaunawaan sina Dawn at Cristy dahil sa mga naibalita ng huli tungkol sa kanya.

Ngunit tila wala nang naging sagot ang dancer-businesswoman matapos siyang i-call out ni Chi at sabihing nagsisnungaling lang siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos kasi ang pagtawag ng kanyang pansin ay ang tanging naging post lang nito ay larawan niya.

“Best. Lash Extensions. Ever.,” tanging post ni Dawn matapos ang post ni Chie sa X.

Masundan pa kaya ang sagutan ng dalawa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending